"MAMA, nandito ako kina Pretty. Hindi ako makakauwi ngayong gabi kasi malakas ang ulan saka mataas ang baha. Pero huwag kayong mag-alala. Maayos naman kami rito," pagsisinungaling ni Kring-Kring sa kanyang ina na kausap niya gamit ang cell phone. Nag-dinner siya sa mansiyon ng mga Ignacio kasama sina Paul Christian at Lolo Pablo. Pero hindi tumigil ang malakas na ulan at dahil baha na raw sa kalsadang daraanan nila, nagpasya ang matanda na huwag na siyang pauwiin. Wala naman siyang magawa dahil sarado talaga ang dadaanan nilang kalasada dahil sa baha. Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang mama ay pumihit siya paharap. Nakita niyang nakaupo si Paul Christian sa kama na gagamitin niya at nakasandal pa sa headboard habang may hawak na tasa ng kape. Ang guwapo-guwapo nito sa suot na put

