ABALA sa pagbubunot ng damo si Kring-Kring sa bakuran nila nang may aninong nagsilbing lilim sa kanya. Hindi niya iyon pinansin. Tuwing Sabado ng umaga ay iyon ang ginagawa niya. Pampa-kondisyon niya iyon bago niya harapin ang lesson plan niya mayamaya. "That's not sexy, Kring." Tumingala siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Paul Christian na mukha na namang Hollywood actor dahil sa shades nito. Napatayo siya. "Hoy, bakit ka nandito sa bahay namin?" Humalukipkip ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa – ramdam niya iyon kahit naka-shades ito. "Kung alam ko lang na ganyan ang itsura mo, hindi na sana ako pumunta rito." Napatingin tuloy siya sa sarili niya. No'n lang niya napansin na hindi pala siya mukhang tao ng mga sandaling iyon. May suot siyang sombrero na may nakakab

