NAKATINGIN sa labas ng bintana ng kotse si Kring-Kring. Pero hindi niya ma-enjoy ang magandang tanawin na nadadaanan nila dahil marami siyang iniisip. Ang sabi nina Pretty at Tiara nang kunsultahin niya ang dalawa tungkol sa nararamdaman niya, nagkakagusto na uli siya kay Paul Christian, at sa pagkakataong iyon, seryoso na. Nang tanungin naman niya ang mga kaibigan niya kung ano ang dapat niyang gawin, hati ang opinyon ng dalawa. "Ngayon pa lang, kumalas ka na sa usapan niyo ni Paul Christian. Kinunsinti kita sa desisyon mong 'yan dahil kailangang-kailangan mo ng pera, pero nangako kang hindi magkakagusto sa kanya," sabi ni Pretty, halatang hindi masaya sa bagong damdamin niya para kay Paul Christian. "Ano namang masama kung ma-in love uli si Kring-Kring kay Paul Christian?" kontra nama

