"ANO? NAKUMPLETO na ba ang buhay mo?" Bumuntong-hininga si Kring-Kring na tila nangangarap. Pagkatapos ay inangat niya sa mukha niya ang nakabenda niyang kamay. "Oo naman. Heaven, men. Sulit na sulit ang pagsapak ko sa gagong 'yon kahit nasaktan ako ng konti." Pagkatapos magkagulo sa bar kanina dahil binugbog ni Paul Christian si Owen, sila na lamang ng irog niya ang nag-walk out. Dinala siya nito sa malapit na clinic at pinatingnan ang nasaktan niyang kamay. Hindi naman nabali ang mga daliri niya. Napasama lang ang pagtama ng buto sa panga ni Owen. Ngayon, kasama niya si Paul Christian at nag-i-star gazing sila sa kotse nito na nakababa ang bubong. Dumaan sila kanina sa 7/Eleven at bumili ng mga snacks, pagkatapos ay nag-park ito sa bakanteng lote malapit sa bahay niya. Ayaw pa kasi s

