Chapter 8: Simula

1231 Words
BRIAN's POV ( Alarm clock rings) Pinindot ko ang alarm clock na nasa gilid ng kama. Good morning mga pare! Sa wakas Sabado na. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag gigising ng walang iniisip na klase. Walang magpapaikot ng mundo ko, walang English na magpapadugo ng ilong ko. Bumangon akong kama at nag-unat muna. Binuksan ko ang makapal na kurtina sa gilid ng kama ko. Sikat na sikat na ang araw. Napapikit ako ng tumama ito sa mga mata ko saka ako nagkamot ng pwet. Muli akong naghikab. Boxer lang ang suot ko ngayon. Ok lang naman kasi wala naman kaming ibang kasama ni Mama. Pinihit ko ang doorknob ng kwarto dahil lalabas ako. Magsisipilyo ako at maghihilamos sa banyo na malapit sa kwarto ko. Magdadala lang akong tuwalya. "Good morning 'nak!" narinig kong bati ni Mama kaya kaagad akong napatingin sa kaniya. "Good morni---" natigilan ako ng makita ko si Kulot. Ang masayang ngiti ko ay bigla naglaho. May dala siyang folder at libro. Huwag mong sabihing. HINDI. Hindi pwede 'to! Talaga bang pumayag na si Mama na maging tutor ko siya? Punyemas! "Hoy, kulot!" inis na sigaw ko sa kaniya kaya nahulog ang malaki at puting tuwalya sa balikat ko. "Talagang desidi--" Bago pa man ako natapos sa pagsasalita ay tumalikod na siya. "Hoy, kinakausap pa kita!" sigaw ko ulit pero hindi niya ako nilingon man lang. Aminado akong wala pa akong hilamos pero hindi naman ako panget para talikdan niya. Pagagalitan ko na sana siya kaso-- "Ahhh, Ma ang sakit! Ma, aray po!" Daing ko habang pinipigilang mapigtas ang tenga ko sa pangungurot niya. "Bakit ganiyan mo kausapin si Marry ha? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na magbehave ka?" protesta niya. "Marry? Sus!" asik ko. "Ahh aray ko po. Tama na, Ma!" Pakiusap ko. Binitawan naman niya ang tenga ko. "Sa susunod umayos ka kapag kinakausap si Marry. Naiintindihan mo?" aniya na tila nagbabanta. "O-opo." Iyon na lang ang nasagot ko at napangiwi habang hinihilot-hilot ang tenga ko. "Oh siya, kunin mo ang tuwalya at takpan mo ang dapat takpan. Si Marry na nag-adjust sa'yo nakikita na niya ang kaluluwa mo." Napatingin naman ako sa ibaba. Naka-boxer lang pala ako kaya siguro tumalikod siya nang mahulog ang tuwalya. Tss. Kunware v!7g!N naman! Sus! Huwag ako, kulot! Tinakpan ko na ng tuwalya ang beywang ko. "Oh ayan! Lumingon ka na!" Kausap ko sa kaniya. Dali-dali naman siyang humarap sa amin ni Mama. "Oh paano, Marry alam mo na ang dapat mong gawin ha. I entrust my son to you. Huwag mo akong bibiguin? Okay? Kailangan ko ng pumuntang office marami pa akong tatapusin." Tumango siya na parang maamong tupa. Ang plastik! Sa akin naman bumaling si Mama. "Ikaw naman Brian, malalaman at malalaman ko rin naman kung may ginawa kang kabalastugan. You understand? Behave or else doon ka muna sa Lola mo? Ayaw mo naman sigurong lumagi roon hindi ba?" "Oo na, Ma. Alam ko na po lahat ng 'yon. Sige na po, malelate ka na." Taboy ko sa kaniya. Dadami pa kasi sermon niya kapag hindi ko aagapan agad. "Oh siya," sang-ayon niya. Hinalikan niya ko sa noo saka naglakad palabas ng bahay. Nang wala na akong marinig na kalabog ng heels niya ay saka ako ngumisi. Humanda ka sa akin ngayon Lotski! "Nope." Ika niya na tila nahulaan agad ang iniisip ko. "Ano?" maang tanong ko sa kaniya. "Kung iniisip mo na uuwi agad ko, that's a big NO. I'm here for work. Para turuan ka. Kaya sana naman atleast do your part and cooperate." Mukhang seryoso siya. Bigla yatang naging leon ang kanina'y maamong tupa. "Sabi ko na eh! Napaka-plastic mo talaga, Soledo!" "Oo na, plastic na kung plastic. Kung iyon ang gusto mong paniwalaan." "Edi inamin mo rin?" Nginisian ko siya. "Ang galing mo nga eh! Paniwalang-paniwala si Mama. Dapat nga hindi ka nagtutor, dapat sa'yo artista. Tutal magaling ka naman magkunware, mameke, magpanggap!" Yeah! Siguro naman iiyak na siya at hahagulhol pauwi sa lahat ng sinabi ko. "Tapos ka na?" rinig kong sagot niya. "Hindi pa! Antayin mo lang ang ganti ko dahil walang lihim na hindi nabubunyag kulot! Maaari ngang naniniwala si Mama sa'yo ngayon, pero 'wag ka baka mamaya pinapalayas ka na niya!" Nakita ko siyang lumunok ng laway, sigurado akong takot na siya sa mga sinabi ko. Kapag nagkataon mas mabilis ko siyang mapapaalis. "Oh tapos?" "Dammit!" Napasigaw na ako. "Ano ba talagang problema mo ha? Bakit hanggang dito sinusundan mo'ko?" Nanatili siyang nakatayo at walang emosyon. "I told you, I am here for work! Hindi kita sinusundan kaya pwede ba, stop thinking that it is all about you!" "Talaga ba? At sa tingin mo maniniwala ako na hindi ito dahil sa akin?" "Hindi naman talaga!" giit niya. "Talaga?" "Talaga! Dahil hindi kita type! Hindi ko magiging tipo ang aroganteng tulad mo?!" sigaw niya "Ah ako arogante?" Itinulak ko siya at saktong sa sofa siya bumagsak. "Sino ngayon ang arogante?" Lumapit ako sa kaniya at pumaibabaw. Sobrang lapit ng mukha ko sa kaniya. Pati ako naiilang sa posisyon naming dalawa pero hindi ko ito ipinakita sa kaniya. Kailangang maramdaman niya na ako pa rin ang may awtoridad sa aming dalawa. "A-anong ginagawa mo?" Naiilang na tanong niya. "Umalis ka nga diyan?!" Hindi siya makatingin sa akin. Marahil na rin siguro sa lapit ng agwat ng mukha naming dalawa. Mas inilapit ko pa ang mukha ko. Sinubukan niya akong itulak pero nagmatigas ako. "Now tell me? Hindi mo pa rin ba ako type ha kulot?" "H-hindi a-a" iyon lang ang lumabas sa bibig niya. "Ano?" tanong ko habang naghihintay pa rin ng sagot niya.May kaonting eksaytment akong naramdaman sa maaaring sagot niya sa'kin. "A-ang baho ng hininga mo!" sigaw niya sabay tulak sa'kin. Anak ng kangkong! Muntikan pa ako mawalan ng balanse. Hinipan ko ang kamay ko at inamoy. Hindi pa nga pala ako nakapag-sipilyo. "Hoy! H-hindi mabaho ang hininga ko 'no." "Talaga ba? Ang lakas ng loob mong ilapit ang mukha mo sa akin. Ni hindi ka pa nga nakapag-hilamos at nakapag-toothbrush. Tingnan mo nga ang mukha mo sa salamin." Patutsada niya. "Hoy kulot! Kahit hindi ko na tignan ang mukha ko sa salamin. Alam na alam ko na magandang lalaki pa rin ako. In short, pogi, gwapo, hensem!" "Anong hensem?" "Akala ko ba magaling ka sa English? Ikaw pa yata ang tuturuan ko. Ibig sabihin nun pogi ako." Mukha naman siyang nandiri sa sinabi ko. Ang lakas ng loob! "Edi ikaw na!" "Ako naman talaga! Crush mo naman ako di'ba?" "Ha? Mangarap ka! Kahit kailan hindi kita magiging crush! Sa panget ng ugali mong yan! At isa pa, umayos ka nga!" Inis na sigaw niya. "Kapag ginawa mo pa ulit iyong kanina tatawagan ko ang Mama mo!" Banta niya sa akin. Tumawa ako ng mahina. "At sa tingin mo natatakot ako?" "Ah talaga hindi?" Nagdial siya sa cellphone at umaaktong pipindutin ang call sa contact na nakapangalan kay Mama. Talagang gagamitin niya si Mama? Qouta na siya sa pangba-blackmail sa akin. Magaling ka talaga kulot. May araw ka rin sa'kin! "Ano? Maliligo ka na at makapag-simula na tayo o tatawagan ko muna siya para sabihin ang mga pinaggagawa mo?" aniya. Hindi na ako umimik. Tumalikod na lang ako at dumiretsong banyo. Wala naman na akong magagawa eh. Marami siyang alas--sa ngayon. Oo sa ngayon, makakatyempo rin ako sa'yo Lotski at pagsisisihan mo na pumasok ka pa sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD