CASSANDRA's POV
I am currently waiting. Naghihintay sa tukmol na 'yon dito sa sala habang siya ay naliligo. Ewan kung maliligo nga ba 'yon dahil wala naman yatang pakialam kung anong magiging mukha o amoy niya kapag ako ang kaharap niya.
I felt my chest pounding as I remember the moment that his face is too close to mine. Saglit lang akong napangiti dahil agad napalitan ang nararamdaman ko ng inis at awa sa sarili ko.
Earlier he humiliated me to my core na parang ako napapaisip na rin.
MAPAGKUNWARE, MAGALING MAMEKE AT MAPAGPANGGAP!
Ang mga katagang masakit sa tenga. Paulit-ulit itong naglaro sa isip ko, floating and echoing.
Am I these words? Mali bang yakapin ang oportunidad para makapag- level up? Mali bang tulungan ang tatay ko dahil alam ko na nahihirapan na siya?
Naglakbay ang diwa ko sa mga alaalang nakikita ko ang tatay ko na nagsisipag para maitaguyod lang ako.
"'Nak oh! Baon mo," nakangiti siya habang inaabot sa akin ang isang daan. Naramdaman ko naman ang makapal na kalyo ng kamay niya ng tanggapin ko ang perang papel. Maugat na ang kamay niya at tila matagal na sa arawan.
Dalawang beses ko na rin siyang nahuli na tubig lang iniinom at hindi na kumakain ng lunch dahil isasabay na lang daw niya sa hapunan.
May mga teens rin na minsan nagrereklamo sa paninda niya dahil lasang bulok na raw kahit hindi naman. Ang dami nilang sinabing masama pero panay ngiti pa rin ang tatay ko habang humihingi ng pasensya.
Kung alam niya lang na nasasaktan ako kapag nakikita siyang nahihirapan.
It's not his choice na wala kaming pera. Alam ko naman na kung may pagpipilian siya, pipiliin niya ang maayos na buhay para sa amin. But, he wasn't given a choice. Ang binigay sa kaniya ay isang responsibilidad. Iyon ay ang buhayin ako na ginagawa naman niya ng maayos.
"Tay, alam ko na lagi niyong sinasabi na masama ang magsinungaling, I hope you can forgive me. I'm sorry, Tatay"
Isang butil ng luha ang bumagsak sa folder na dala ko. I am not aware that my emotion is not under my control as of the moment. My chest tighten kaya dinama ko ito. I have to be strong no matter what.
So, I wiped the remaining tears immediately. Baka makita pa ng Salcedo na 'yon at i-take advantage niya pa!
"Umiiyak ka ba?"
Dali-dali kong inayos ang sarili ko.
"Sorry what?" maang tanong ko. Kunware wala akong narinig.
"Ah wala," ika niya. Nagtutuyo na siya ng buhok at infairness mabango na siya tingnan sa pambahay na suot niya. Mabuti naman at naligo na siya. "So, ano na?" tanong niya saka inihagis ang tuwalya sa sofa sa gilid ko mismo.
"Seryoso ka? Hindi ka marunong magligpit?" protesta ko. Kinuha ko ang tuwalya at inihagis pabalik sa kaniya. He caught it. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nasimulan dahil tumama ang tuwalya sa mukha ko.
Narinig ko naman ang tawa niya.
Inis na inalis ko ang tuwalya sa mukha ko at inihagis din sa mukha niya.
"Fowtang insh," galit na sigaw niya dahil sapul din ang mukha niya sa ginawa ko.
Ako naman ang tumawa.
"Haha nakakatawa," he mocked then smirked. Pumunta siyang kwarto saka bumalik sa sala. "Ano na? Hindi pa ba tayo magsisimula? Eksayted na ako Ms. Marry."
"Iyan ang gusto ko sa'yo! Dapat ganiyan ka palagi," sambit ko.
"Sabi ko na gusto mo 'ko eh!"
Inirapan ko siya. "Naglinis ka bang tenga?" tanong ko.
"Oo naman! Amuyin mo pa tenga ko! Ikaw ba naglinis ka na ba ng konsenya?"
Hobby na niya yatang inisin ako ng harapan. Sarap kalbuhin.
"Naglinis ka na ba ng leeg? Gusto mo yatanh baliin ko leeg mo?" banta ko sa kaniya.
Isang ngisi lang ang binigay niya sa akin. Mabuti na lang talaga at hindi na siya sumagot.
I got my pre-assessment test at inilagay sa mesa.
"What is that?" tanong niya.
"Buksan mo kaya ang mga mata mo," sagot ko.
"Alam mo maayos ang tanong ko sa'yo ha! Ganiyan ka ba talaga kulot?"
"Oo na, oo na! Pre-assessment 'yan. Bale diyan ko madedetermine kung anong weakness at strenght mo. Kaya naman kailangan mo 'yang sagutan." Paliwanag ko.
"At bakit ko naman gagawin 'yon?"
Umandar na naman si Kupal.
Lumapit ako sa kaniya at pinantay ang mukha ko sa mukha niya. I reach the part of his sando near his neck.
"Dahil babaliin ko ang leeg mo kapag hindi mo ginawa," I said slowly and softly para mas ramdam niya ang threat.
I heard him gulped. Natakot ba talaga siya dahil doon?
He raised his hand slowly at idineretso ito sa mukha ko. Hinawakan niya ang baba ko saka ngumiti sa akin ng pilit. Maya-maya pa ay itinulak niya ako sa gilid gamit ang baba ko.
"Aray ko!" sigaw ko sa kaniya.
Hinablot niya ang test paper sabay sabing "BEYSIK" habang nakatitig rito.
I rolled my eyes. "Edi wow. Anyway, if you don't know the answer. Just be yourself. Walang mawawala kapag nagpakatotoo ka, afterall that is a pre-test. Gets mo ba?"
"Ikaw ba? Bakit hindi ka magpakatotoo kung wala namang mawawala?" balik-tanong niya sa akin.
"Hindi ito tungkol sa'kin. Gawin mo na lang, pwede ba?" naiiritang utos ko sa kaniya.
He nodded only for a response.
Then I started waiting while he answer the questions.
Naglaro lang ako ng games sa cellphone ko habang naghihintay. Siguro naman siseryosohin niya ang mga tanong.
"Pwede bang lumayo ka onti?" pakiusap niya.
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko. "Baka kung ano na naman 'yan ha. Tatamaan ka na talaga sa akin, Salcedo."
"Kasi baka hindi ako maka-pokus kapag nandiyan ang mukha mo po nagbabantay sa'kin," paliwanag niya.
I bought his alibi. Baka nga naman hindi siya makapag-focus. Ganoon din kasi ako minsan pag may nakatinging iba.
Besides, hindi naman masama ang dumistansya eh sa ayaw ko rin siya katabi.
"Tapos ka na na?" tanong ko after 20 mins habang naroon ang tingin sa cellphone ko.
"Hindi," maikling sagot niya.
I stared at him. Halos magsalpukan na ang kilay niya sa sobrang seryoso niya.
At the back of my mind I feel like this is it, he is starting to take the tutorial seriously. Kung ganito lang sana siya palagi edi wala sana kaming problema. He is not making any sounds or anything to annoy me.
Bago!
I feel confident na maayos niyang ginagawa ang test. Not after he passed the test paper.
"What the fowking sh*t is this?!" naiinis na sigaw ko sa kaniya habang inihaharap sa kaniya ang papel na ipinasa niya.
Pangisi-ngisi pa siya habang ako naman ay high blood na sa pinagagawa niya.
He didn't answer the questions instead he just draw on it, he draw a guy in a beach with a girl, not only with a girl but a lot of girls wearing bikinis. Nakapangalan pa sa kaniya ang lalaki tapos may pangalan din ang babae. Ivana, Marian, Kim, etc. Ni hindi na makita ang mga tanong.
Putragis talagang lalaki 'to!
"Hindi ba sabi mo magpakatotoo ako? Ayan nagpakatotoo na ako. Ngayon ayaw mo naman? Ano ba talaga ang gusto mo, MS. MARRY?" aniya na tila nanunukso pa.
"SALCEDO!" sigaw ko. Tumayo siya at tumakbo palabas ng bahay habang tumatawa kaya hinabol ko siya. "Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita!"