"Oh bat tahimik ka dyan?" tanong ni Moon sa akin sabay abot ng Mogi-mogi, iyong flavored drink na may Nata De Coco na marami. Paborito naming tatlo.
Huminga akong malalim. "Nag-iisip lang ako, bro. You know--I is make flan."
"FLAN?" nakangiting tanong ni Moon saka sumipsip sa Mogi-mogi.
"Uy bago 'yan?" sabat ni Sky kararating lang sa table at may dalang tatlong hotdog sandwich tag-isa kami.
Kinuha kaagad ni Moon ang sa kaniya. "Ano bang bago? Iyong nag-iisip siya or ang sabi niyang make a flan? Leche flan?" tukso niya sa akin.
Umupo na muna si Sky sa tabi ko. "Both." Nakangiting sagot niya. "Eh hindi naman nag-iisip 'to e, flan pa kaya?"
Kinaltusan ko siya. "Biro lang," bawi naman niya agad saka nagkamot ng batok.
"Plan yata yun bro?" pagtama ni Moon at naupo na rin sa harap ko. Maliit lang ang kahoy na mesa kaya sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Ah basta 'yon na 'yon." Naiiritang sagot ko. "Hayop na english 'yan. Buhay naman tayo kahit walang English eh. Pinoy naman tayo hindi naman kailangan ng English na yan."
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Pinagalitan ako ni Mama dahil nalaman niya ang ginawa ko. Gumawa akong drawing sa mismong test paper ni kulot.
"Isa pa, Brian. Kapag hindi ka talaga nagtino ako talaga maghahatid sa'yo sa Lola Mo," banta ni Mama.
"Pero, Ma?"
"Shut up! Alam mo ba na lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo. Ang tutorial na 'to ay para sa'yo hindi para sa'kin. Ano bang mahirap intindihin dun? Mag-aaral ka lang naman kay Ms. Marry. Sige nga sagutin mo'ko, gusto mo bang doon ka na lang sa Lola mo?"
"H-hindi po."
"Then, behave. Act like your age. Hindi ka na bata Brian. Mag-aaral ka at tuturuan ka ni Marry sa ayaw at gusto mo!"
"Hindi pwedeng ako na lang palagi ang agrabyado di' ba? Ako ang lalaki kaya ako ang dapat siga sa amin. Hindi si kulot na salot sa buhay ko!"
Naiinis na naman ako sa tuwing naiisip ko ang babaing 'yon.
"Tama!" gatong ni Moon.
"Kaya dapat ako ang nananakot at hindi si kulot? Gaya ng dati."
"Tama ulit." Sang-ayon naman niya.
"Kaya naman mamaya pupwersahin ko na siya para umalis na sa buhay ko. I is make her crawl back to her mama's istomak!"
Napangiti ako.
"Siguro naman kapag naramdaman niya ang galit ko kusa siyang lalayas palayo. Kapag nasaksihan niya ang galit ng isang Brian Salcedo."
Ngumisi ako habang nakatingin sa malayo.
"Ta-ma? Tewka paanoh moh namen gagawin 'yon? Hindi nga tumatalab sa kaniya ang mga banta mo. Tapos kaya ka pang pataubin dahil marunong siya ng self-defense," wika ni Sky na puno ang bibig ng pagkain ng mahagip ko siya ng tingin.
Bumuntong hininga ako.
"Kaya nga e. Sa totoo lang wala pa talaga akong naiisip na paraan e. Pero buo na talaga ang loob ko. Ang hirap lang kasi kapag kasali na si Mama. Kailangang pag-isipan ko ng maayos ang lahat. Kapag pumalpak ako tiyak probinsya ang bagsak ko. Gets niyo ba? Naikwento ko na sa inyo ang naranasan ko sa Lola ko sa probinsya, hindi ba? Napaka-boring mga bro!"
Tumango lang silang dalawa.
"Kaya tulungan niyo akong mag-isip." Pakiusap ko.
Biglang tumayo ang dalawa habang bitbit ang kani-kaniyang pagkain papuntang pinto ng Seven Evelen senyales na ayaw nilang tumulong.
"Ah ganiyanan pala? Sige, simula ngayon maghanap na lang kayo ng bago niyong kaibigan! Iyong sobrang gwapo at handa kayong ipagtanggol kapag kailangan niyo ng resbak- mga inutil!" Banta ko sa kanilang dalawa.
Dali-dali naman silang bumalik.
"Uy biro lang, bro. Hindi namin magagawa sa'yo 'yon. Mahal ka namin e. Kaso nga lang bro baka kami naman ang malagot niyan kay Tita Astig. Kilala namin si Tita Blessie. Mas siga pa 'yon sa'yo eh!" Nag-aalalang tanong ni Moon.
Sinuntok ko ang mesa ng ilalim ng kamao ko. Kumakain pala si Sky kaya may sauce na tumilapon sa mukha niya dahil sa gulat. Hawak-hawak niya kasi ang burger. Napisil siguro niya ng marinig ang lagabog ng mesa.
Dinilaan niya ito sabay sabing "Sarap!"
"Tsk! Wala yata kayong bilib sa akin eh. Masyado kayong kabado. Nakalimutan niyo na yata na ako si Brian Salcedo?"
Tumayo ako, kumaway at umaktong nagpasalamat sa mga awdyens.
"Wala namang ibang tao e," bulong ni Sky.
Kinutusan ko siya.
"Kunyare nga lang eh? Hindi ma-gets ang bagal ng pick up?" Bumalik na akong upuan.
Nalungkot ako. Wala talagang kwenta ang mga kausap ko. Mga hindi marunong sumuporta.
"Ano na tutulungan niyo ba ako o hindi?" naiinip na tanong ko.
"Tutulungan syempre!" sagot nilang dalawa ng sabay.
"Ayun oh!" Itinaas ko ang kamay para makipag-apir sa kanilang dalawa. Tinugon naman nila ito.
"Sige mag-isip muna kayo." Utos ko. "Ah waiter order?" Nagtaas ako ng kamay kunware.
"Uy bro, walang waiter dito self service tayo dito," nakangiwing wika ni Moon.
Mga loading talaga e. Hindi magets ang mga joke ko. Ang sarap talagang kaltusan ang kambal na 'to.
"Pero," seryosong panimula ko," ito seryosohan na ha kailangan ko ng makaisip ng paraan kung paano siya papalayasin sa buhay ko mga bro. Under na nga ako ni Mama mga bro, pati ba naman ni kulot? Ano na lang sasabihin ng mga tao sa akin? Na sa school lang ako matapang? No way!"
"Tama naman," sagot ni Sky.
"Anong sabi mo?"
"Ah ano tama lang naman ang sauce, masarap," sagot niya.
"Kaya bilisan niyo na mag-isip mga bro. Baka kasi hindi ko na matantiya si Soledo."
Biglang tumayo si Sky na ikinagulat namin.
"Alam ko na!" sigaw niya.
Tumingin siya sa aming dalawa habang nakatunganga kami sa kaniya.
"Ganito---" ika niya at nagsimulang sabihin ang naisip niyang plano.
"Fall in love?" pagkaklaro ni Moon. "Ano 'yan parang sa Whatppat? Magiging romance novel ang story niyo?"
"Anong romance novel? Pwe! Ano sa tingin mo ba epektib naman 'yang plano mo?" tanong ko kay Sky dahil nag-aalinlangan ako. Para kasing hindi na maiinlab si kulot eh daig pa lalaki kapag galit.
"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan." Pahayag ni Sky.
Tumango ako. "Tama nga naman. Mabuti ka pa Sky, galing mo talaga. Samantalang ang iba diyan." Parinig ko kay Moon.
"Grabe ka naman sa'kin bro. Nag-isip naman ako e. Naunahan lang ako nitong kambal ko."
"Hindi nga? Nag-isip ka ba talaga?" tukso ko.
"Oo nga," giit niya.
"Oh 'wag kang iiyak." Tukso ko sa kaniya. "Hayaan niyo kapag naging maayos ang plano natin, ipinapangako ko na kapag may umaway sa inyo itutumba ko. Kahit langaw na dumapo sa bibig niyo sasampalin ko. Kahit lamok na kakagat sa inyo hindi ko palalampasin at lalagyan ko agad ng Veygon. Pangako 'yan! "
Mukhang nakuha ko naman ang kiliti ng dalawa dahil kusa silang tumawa.
"Sa ngayon, bumalik na tayo sa bahay at baka naghihintay na si kulot."
Malapit lang ang store sa subdivision namin kaya nilakad na lang namin papasok.
"Nga pala 'bro? Ano bang plano mo kay Randy?" usisa ni Moon. "Paano kung magsumbong siya sa teacher natin o sa parents niya? Hindi ka ba natatakot?"
"Wala akong pakialam kung magsumbong man siya. Malaki ang atraso niya sa akin bro. Alam ko naman na nagpapanggap lang siyang mahina sa school. Kilala ko na ang mga katulad niya." Nakuyom ko ang aking kamao.
Randy Saturno, kahit kailan hindi ko makakalimutan ang pangalan mo.
---
"Mabuti naman dumating ka na." Si Kulot. "Siguro naman siseryosohin mo na ang session natin ngayon." Nasa mesa na naman ang isang test paper at ballpen.
Naalala ko na naman ang sinabi ni Mama.
"Alam mo Cass, marunong naman magseryoso 'yang kaibigan namin pero bihira lang. Kumbaga once in a blue moon. Kaya kapag nakita mo ang blue na moon, ayun dun siya seryoso," biro ni Moon.
Hindi naman kinakitaan ng ngiti sa mukha si kulot.
"Boring naman," ani ni Sky. "Ang sarap kumain ng Leche Flan."
Ting! Ideya!
Muntik ko na makalimutan ang plano. Lumapit na ako sa upuan at sinimulang basahin ang Test Paper. Siguro dito ko na sisimulan ang plano namin.
OPLAN: Make LOTSKI FALL INLOVE.
"Circle the correct answer," basa ko sa Instruction. "bo-bokwet (boquet), ano daw?"
Narinig ko ang hagikhik nilang tatlo.
"Tumatawa ba kayo?!" sigaw ko.
"Ah w-wala, wala 'to, nagpapraktis akong ngumiti para sa pageant," alibi ni Moon.
"Ano 'to sahig?" ani naman Sky sabay turo sa sahig habang pigil na tumatawa.
Hindi ko naman malaman ang reaksiyon ni Kulot kasi nakatalikod siya.
"Hoy, kung mga jadswental kayo, 'dun kayo sa labas!" sigaw ko ulit sa kanila.
At humakbang naman talaga palabas silang tatlo.
"Mga traidor!" pahabol ko sa kambal.
Paano ko na mapapa-inlab si kulot niyan e nasa labas siya? Ni wala man lang Plan B si Sky.