Chapter 11: GOOD START

1369 Words
CASSANDRA's POV "Uy push muna, push muna," utos ni Sky. Kasalukuyan silang naglalaro ng WOBILE LEGEND habang inaantay matapos si Brian sa pre-test. Nasa labas kami kasi kailangan daw lumabas ang mga judgemental. "Tapos na kaya siya?" tanong ko sa dalawa habang naroon ang mata ko sa laro nila. They both shrugged their shoulders. Oo nga naman. Pareho kaming nasa labas. Anong aasahan kong sagot sa kanila? Tumayo na ako at napagpasiyahang pumasok ng bahay. There I saw him at the table nakasubsob ang mukha sa Test Paper. Nakatulog na ba siya? Nang makalapit ako ay kitang kita ko sa mukha niya ang pagod. Parang tumakbo siyang malayo at nawalan ng energy. "Okay ka lang?" I checked him. "Sa tingin mo ba?" supladong sagot niya. "Napakahirap naman kasi basahin nito. Tapos mga judgemental pa kayo! Nakakawalang-gana." Ibinagsak niya ang ballpen sa ibabaw ng Test Paper. Lumapit ako sa kaniya at naki-upo. Chineck ko ang Test Paper at may mga sagot na lahat ng items. Wow! I didn't expect this. I checked it at ipinaliwanag kung bakit tama at kung bakit mali ang mga sagot niya. Mabuti na ito keysa sa drawing niya noong nakaraan. "Number 9, ang tamang sagot ay was kasi past tense ang verb at singular o isa lang ang subject. So, mali ka dito. Pero sa Number 10, tama ka kasi is yung sagot mo, which is in present tense at isa lang din ang subject," marahang paliwanag ko. Ni hindi man lang siya na amaze. Bagkus mukha pa siyang bata na nakatingin lang sa akin. "Ah ganoon pala 'yun?" Nagkamot siya ng batok. Kaya pala minsan hindi tugma ang mga words pag hindi sakto ang ginamit na tenses." "Tama. Uy gumagaling ka na ah. Apir!" Tinugon niya naman ang kamay ko saka ko napagtanto na ngayon lang kami nagkasundo. Sabay naming binawi ang mga kamay namin ng maramdaman ang palad ng bawat isa. I never thought this would be this awkward! "Ah--eh basta tandaan mo ang tenses ng sentence para hindi ka mahirapan," patuloy na paliwanag ko. Tumango naman siya. "So, bale next weekend Parts of Speech muna tayo. Magsisimula tayo sa noun para dahan-dahan mo maintindihan ang grammar. Okay?" "Sabi mo eh." Himala talaga ang lalaking 'to ngayong oras. Baka mamaya ano na naman pinaplano nito sa akin. Nakakapaghinala ang bait eh. "Oo nga pala, maitanong ko lang. Malapit lang ba bahay niyo rito?" he asked out of the topic. "Ha?" Napakamot ako sa sintido. Seryoso ba siya? Nagtatanong siya ng details ko? Si Brian Salcedo? May lagnat ba siya? "Seryoso ka ba?" Nagdududang tanong ko. "Alam mo ikaw sinasabi ko talaga sayo babaliin ko talaga leeg mo kung may binabalak ka na namang masama sa akin," talak ko habang dinuduro siya. Tumawa lang siya. A sexy laugh I must admit. Loko loko talaga ang isip ko. Paano naman naging sexy ang tawa ng kumag na 'to? "Hindi ka lang sanay na ganito. Ano tingin mo sa akin sobrang sama ko na siguro?" natatawang tanong niya. "Oo. At ang mga paganiyan mo hindi tatalab sa akin 'yan. Ano bang plano mo ha? Sinasabi ko kaagad sa'yo boy, it's not gonna work!" He hissed. "Masama na ba talaga ang tingin mo sa'kin? Daig ko na ba si Lucifer?" kaswal lang na tanong nito. Something is off. May iba talaga sa lalaking kumag na 'to. Stop CASSANDRA! Baka bait na naman niya 'to. Remember hindi mo siya kakampi. "Hindi naman sa ganoon." Deny ko. "Pero parang ganoon na nga?" klaro niya. I nodded. Totoo naman kasi na ang sama-sama niya. Cringe kapag mabait siya. Parang gusto ko tuloy ibalik ang pagiging barumbado niya. Ayoko ng mabait kuno na side niya. "Iniiba mo lang usapan eh. Mamaya kapag uuwi ka na, sabihan mo lang ako. Ihahatid kita." Wow, pursigido ang abnoy. "Don't worry isasama natin sila Moon at Sky para hindi ka mailang," dagdag pa niya. "Naku, hindi na!" I refused. "Kaya ko namang umuwi mag-isa. I can handle myself. Kaya huwag ka nang mag-abala." "Hindi nga. Pramis pambawi ko na rin sa nangyari kahapon. Pinagalitan na ako ni Mama dahil sa ginawa ko. Nakapag-repleks ako at naintindihan ko naman siya." "Anong repleks?" "Basta nakapag-isip isip, ganun!" aniya. "Pero hindi mo naman talaga kailangan gawin 'yon. Gets ko naman kung bakit ayaw na ayaw mo sa akin eh. We didn't meet at good terms." "Pero bilang tutor ko, hindi ba kailangan ko rin kilalanin kung saan ka nanggaling? Siguro hindi naman masama kung samahan ka namin para naman makilala namin ang pamilya mo?" Ang kulit. Gusto ko na yata siyang batukan para bumalik sa katinuan. "Please." Nagulat ako sa sinabi niya. Wala na! Ginamitan na ako ng magic word ng kumag na 'to. For all I know tactic niya lang siguro 'to. Pero may point naman siya hindi ba? Baka nga mas maintindihan niya ako kapag nakita niya ang sitwasyon namin ni Tatay. Baka maging friends pa kami? Friends? Para akong masusuka while thinking of being friends with him. "Ano na? Payag ka na di'ba?" Pangungulit niya. Saglit akong nag-isip. Saan ba ako makakapag benefit. Naalala ko tuloy na hindi pa alam ni Tatay ang lahat. No way! Wala naman siguro siyang sasabihin sa Tatay ko? "Hays sige na nga. In one condition, I urge for a trade at iyon ang hindi niya pagsabi sa tatay ko. Nangako naman siya na hindi niya sasabihin. "Pero wala akong pambayad ng pamasahe niyo ha. Nag-iipon pa ako eh. Saka na lang ako manlilibre kapag may sahod na ako," pagkaklaro ko. Baka kasi ako pa magbayad ng pamasahe nila. Ano sila Lucky Me? "Hindi naman kailangan e. May sasakyan naman at kaya ko magdrive," he said making sure na hindi na magbabago ang isip ko. " Magpapaalam din ako kay Mama para hindi ka mag-alala." "S-sige," tipid na sagot kahit may kaonting alinlangan. That is the first time that we ended the session in good situation. Not that bad for a second day. --- "Kmusta naman siya Marry?" tanong ni Miss Blessie. Nakauwi na siya galing opisina. "Okay naman po. Maayos naman po ang session namin kanina. Katunayan ang galing nga po e, ang bilis niya po matuto," masiglang sagot ko sa kaniya. "That's great! Mabuti naman. Well, I hope it will continue that way para naman pagdating ng araw ay settled na ang lahat. Alam mo ba na our company will be his kapag nawala na ako and in our business, you know naman na communication is important, that why I really want him to learn to speak and understand. Good thing nga that you are here, Marry. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako." I heave a sigh. This woman is so kind. Sayang hindi minana ng Brian na 'yon. "Walang anuman po, Tita. Binabayaran niyo po ako kaya it is just fair that I do my job and put the best effort I can. Katunayan nga po, ako ang dapat magpasalamat kasi you allow me to work kahit nag-aaral pa po ako." "Ano ka ba, wala 'yon, Marry. Bilib nga ako sa'yo. I know it's hard to do work while studying in college. Maraming reportings and things to comply. Right?" "Ah-eh oo nga po," napangiti ako ng hilaw. She really believe that I am a college student. I'm sorry Tita Blessie. Kung alam niyo lang na nakokonsensiya ako kapag naiisip ko ang kabaitan niyo. But, I have no other choice eh. You are my only hope para makapag-ipon para sa tuition ko. "Ms.Marry? Andiyan ka pa ba?" Napukaw ako sa tanong niya. Naglakbay na naman ang diwa ko kung saan-saan. "A-ano po 'yon? Sorry po may naisip lang ako bigla," rason ko. "I said is it true na ihahatid ka ni Brian kasama ang mga friends niya? Kasi nagpaalam siya sa akin kanina." Tumango ako. "O-opo nasabi niya rin po sa akin." "Okay. Mabuti naman at mukhang naayos na talaga ang pakikitungo niya sa'yo. Basta just like what I told you, call me kapag may ginawa siya. Okay?" I gave her a sweet smile. "Opo, Tita." I answered. Nagulat naman ako ng yakapin niya ako. A warmth of a mother. Ganito pala 'yon. My chest began to tighten again. If only she is alive. Namimiss na kita, Ma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD