Chapter 13: Teasing Him

1059 Words
CASSANDRA'S POV "Morning," rinig ko sa nagsalita. Ang boses niya na pamilyar na pamilyar na sa'kin. Sinulyapan ko siya. Huwaw! Nakangiti ang asungot. Akala siguro niya okay na kami pagkatapos ng nangyari kagabi. Biruin niyo kusa niyang ipinakilala ang sarili niya sa tatay ko. Ang lakas ng apogs! Mabuti na nga lang good mood siya kagabi at hindi niya sinabon si Brian gaya ng ginagawa niya kay Randy tuwing nakikita niya ito. Pagkauwi nga nila ay kinausap ako ni Tatay at pinaalalahanan na iwasan raw ang makipag-kaibigan sa mga lalaki. Himala nga talaga e dahil tumupad sa usapan si Brian. Hindi niya ako binisto kay Tatay. Mabuti na lang talaga kasi mababali ko leeg niya kapag nagkataon. Hindi na ako nag-abalang sagutin pa siya. Nakaupo na ako sa upuan habang siya naman ay nag-aayos ng bag niya rito. "Hoy kulot kinakausap kita," tawag niya ulit sa akin. Nagbingi-bingihan ako. Hindi naman kasi porke hinatid niya ako kagabi ay close na dapat kami rito sa school. Wala pa rin akong tiwala sa kaniya. Nakakaduda namin kasi ang biglaang bait niya. Ano 'yon ganon lang? Change personality? "Uy, Cassandra tawag ka ng crush mo," rinig kong tukso ni Lester. Klasmeyt namin na gaysha. Nakatayo siya sa gilid ni Randy. Seatmate kasi sila. "Kausapin mo naman si pogi, sige ka kami ang papansin dyan," malanding wika niya na may halong pagbabanta. "Hoy, Lestera! 'Wag nga ka nga sumabat! Usapan namin 'to kaya pwede ba 'wag ka makisawsaw?" taboy ni Brian sa kaniya. "Wala ka sa streetfoods na pang everyone ang sawsawan." Buti nga sa'yo! Palihim akong ngumiti dahil sa ginawa niya. "Ay ang shungit pa rin? Tinutulungan ka na nga eh," sagot ni Lester. "Eto naman kasing si Cassandra dear eh pumapakipot pa. Alam na naman ng buong klase na crush ka niya. Ano pa bang inaarte niya?" Ano daw? Crush? Kung alam niya lang ang dahilan bakit ko sinabi 'yon. Hays! Kainis kasi si Salcedo ng mga oras na 'yon. "Para sa kaalaman mo madam Lester," sabat ni Brian. "Kaya kong kausapin si kulot mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Sasagutin ako niyan kahit wala ka. Kaya tumahimik ka na. Pwede ba? Nakakarindi eh!" reklamo niya. Kaso parang ayaw talaga tumigil ni bakla. "Ay sasagutin? Manliligaw? Napaka-cheesy naman. Hindi ba awkward kapag mag girlfriend ang mag- klasmeyt?" maarteng tanong niya. "Baka mamaya kapag naging kayo, tapos nag-away na idadamay niyo ang buong section?" What?! Parang gusto kong mangalbo ngayon! Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig ng babaitang 'to eh! Kaagad namang humatol si Brian sa sinabi niya. "Kung kayo siguro baka okward. Ibahin mo kami dahil hindi kami kagaya niyo na mga jejemon. Mga lapuk! Teka, bakit sabat ka pa rin ng sabat ha?! Ayaw mo talagang manahimik? Gusto mo upakan na kita?! Ang dami mong ebas eh!" Umaktong natatakot si Lester at nagtago kay Randy. Bumakas naman sa mukha ni Randy ang pagka-asiwa rito. Kaya sumabat na ako sa usapan nila. Mukha kasing hindi na komoprtable si Randy. "Tama na nga kayo. Alam niyo ang aga-aga ang bungangera niyo! Lalo ka na!" Itinuro ko si Salcedo. "Wala ka na bang ibang alam sa buhay mo kung hindi ang mambwisit ng ibang tao?!" Akala ko mag-aaway na naman kami sa puntong 'to. Nagkamali ako. Ngiti lang ang tinugon niya sa akin at naupo na sa tabi ko. Pumunta na rin si Lester sa upuan niya at tumahimik. "Bakit parang mas galit ka pa sa akin Miss Byutipol?" Inilapit niya ang sarili sa akin. "Ikaw na nga ang pinagtatanggol eh! Angas mo rin eh no? Pero para sagutin ko ang tanong mo, alam mo may iba pa akong kayang gawin, maliban sa pagiging tinik sa buhay ng iba," bulong niya sa akin. Ramdam ko ang hanging binubuga niya at para akong nakikiliti sa tenga."Gusto mo malaman kung ano?" "Gusto kong lumayo ka sa'kin," direktang sagot ko. Dumistansya naman siya ng konti at nagkamot siya ng ulo. "Ayts! Killjay ka talaga kahit kailan! Alam mo ba 'yon?" Muntikan na aking mabulunan ng sariling laway ko. "Anong killjay? Baka killjoy?" Pagtama ko sa kaniya. "Pareho na rin 'yon! Sa lalaki sa'kin eh, kaya killjay, kapag babae killjoy. Gets mo ba?" Tumawa siyang mag-isa. "Alam mo, ipaayos mo 'yan sa mekaniko. Kailangan mo nang higpitan ang screw ng utak mo kasi maluwag na eh. Nagmamalfunction kaya kung anu-ano na lang naiisip mo," I said emotionlessly. "Ha? Sino?" tanong niya. Bago ko pa man masabi na siya ay bigla siyang sumagot- "Kausap mo?" Saka humagalpak ulit ng tawa. "Ah ganon?" Inis na dabog ko. "Huling-huli ko ba ang galit mo?" Nangungutyang tanong pa niya habang pasimpleng tumatawa. "Alam mo parang may nawawala," banat ko naman sa kaniya. "Ano naman 'yon? Pasensya mo?" Muling hirit niya. "Pakialam ko! Hanapin mo nga pakialam ko!" Sigaw ko sa kaniya. "Alam mo ikaw ka-lalaki mong tao daldalero ka. Hindi naman ganyan ang Mama mo. Baka sa iba ka nagmana! Baka mana ka sa papa mo!" Tuloy-tuloy kong banat sa kaniya. I thought I won the war dahil natahimik siya bigla. Too late before I realize why. Natutop ko ang bibig ko. Napasobra yata ako. Bakit ko pa kasi binanggit ang papa niya. Ehh! Cassandra lagot ka sa kaniya! Hindi pa rin siya nagsasalita after couple of seconds. Aba siya naman ang nauna no! Kasalanan naman niya. He triggered my bad side ayan tuloy! Kahit anong alu ko sa sarili ko, nakokonsensya pa rin ako. Pero hindi, I am not going to say sorry. Kasalanan niya talaga eh! Di'ba? Hays! "Ah s-so,". Hihingi na sana akong pasensiya kaso hindi niya ako pinatapos at bigla siyang tumayo at lumabas ng room. Sh*t! Ano bang ginawa ko? Kaagad akong tumingin sa kambal na nakaupo na rin sa seat nila. They only give me a quick smile parang emoji na hindi mo alam kung masaya o may binabalak. "Ano? Hindi niyo man lang kakausapin 'yon?" tanong ko sa kanila. Imbis na sagutin ako ay parang siraulo na tinalikuran ako. Si Moon sa desk tumingin tapos si Sky sa kisame naman. Wala yata talagang silbi ang kambal na'to. I don't know what to do. Ano ba? Susundan ko ba sa labas? Parang sira eh wala naman siyang karapatang magtampo. Ano siya bata? Bahala na nga siya sa buhay niya. Hindi ko siya kakausapin. The End. Period. No erase. Locked. Nilunok ko ang susi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD