Chapter 14: The Kiss

1022 Words
Brian's POV "Aray! Ano ba?!" sigaw ng babaing nabangga ko habang nasa daan. Nilingon ko siya. "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? You freak!" maarteng litanya niya habang nakataas pa ang isang kilay. Akala mo naman ikinaganda niya ang mga kulay at drawing sa mukha niya. "Hoy! Ikaw tigil-tigilan mo'ko sa kaka-English mo at wala ako sa mood baka samain ka sa'kin!" Umismid na lang siya bago umalis kasama ang dalawa pang babae na kagaya niyang maarte. 'Wag lang talaga kayong haharang-harang sa daanan ko ngayon dahil wala akong sasantuhin kahit babae pa. Kainis! Dumiretso na akong lakad. Doon na lang muna ako magpapalipas ng sama ng loob sa canteen. "Sigurado ka na ba? Pwede pa magbago ang isip mo?" tanong ni Dexter. Nakita ko siya sa likod ng canteen. Masama palagi ang tingin nito sa'kin kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Isa siyang Grade 11 huling section. Kaya naman inaya ko siya ng 1 on 1. "Matagal mo namang inaantay 'to hindi ba? Sa tuwing magtatagpo ang landas natin parang gusto mo akong ibabad sa suntok mo eh. Kaya ngayon chance mo na 'to para mailabas 'yang galit mo." Tumawa siya na parang tumama sa lotto. "Sige na nga.Oo, aaminin ko," biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa kaninang maluwag ang ngiti ngayon ay sumeryoso. "Noon pa man nayayabangan na ako sayo at pangarap ko talagang basagin ang mukha mo! Ang angas mo kasi dito sa school. Akala mo naman ikaw ang may-ari nito. Kaya oo, noon pa man gusto ko nang basagin ang mukha mo!" "Sabi na eh. Pero tingnan natin kung kaninong mukha ang mababasag?" Hindi siya nagpakita ng takot sa mukha. Naging ganado pa nga yata siya sa sinabi ko. Hindi paman ako nakapag-pwesto ay humataw agad siya ng suntok. Tumama ito sa panga ko. Pakiramdam ko umuga ang ulo ko sa ginawa niya. Hinawakan ko ang panga ko at sinigurado na maayos pa rin ang jawline ko. Humataw ulit siya ng suntok pero nakailag ako. Sunod-sunod na ang pagpakawala niya ng suntok at ni isa wala nang tumama. "Ayun na 'yon? Bagal naman. Wala bang mas bibilis diyan?" tukso ko sa kaniya. Mukhang nakuha ko ang inis niya kaya mas binilisan niya ang kamay niya. Gumaling nga ang kumag at lahat ng 'yon ay tumama sa iba't ibang parte ng katawan ko. Hindi na ako makailag dahil masama ang pwesto ng katawan ko. Maya-maya pa ay ramdam ko ang katawan kong bumagsak sa semento. Pumikit ako sandali. P*tangna kasi ang babaing 'yon! Gusto kong alalahanin ang papa ko pero walang pumasok sa isip ko. Hindi ko siya matandaan. Bata pa man ako ay nalukungkot na ako kapag tunutuksong wala akong tatay. May mga pagkakataon na naiisip ko na baka nawala siya dahil sa akin. Wala rin naman kasing sinabi si mama na dahilan ng pagkamatay niya. Sama ng loob lang daw ang iniwan niya. Iyon lang ang palaging sinasabi niya. Nakikita ko naman ang hindi magandang aura ni mama kapag napapag-usapan siya kaya hindi na ako nagtatanong pa. Kung buhay pa 'yon tiyak ayaw niya ng talunang anak. Dumilat na ako at kusang bumangon. Inayos ko ang uniporme ko, pinagpag ang dumi mula sapatos hanggang ulo. Handa na akong gumanti! Hindi pwedeng ako lang ang may sakit ng katawan! Pinuwesto ko ang kamao ko sa ere. "Ako nama--teka-nasa'n na si Dexter?" Hindi ko na kasi siya mahagilap. Isang nakatalikod na babae na ang nasa harap ko imbis na si Dexter. Babae dahil buhok niya ang unang nakita ko, buhok na kulot. Sandali-- kulot? Nakumpirma ko nga naman na siya 'yon pagharap niya. Nakita ko naman nakabulagta si Dexter at walang malay sa likuran niya. "Kinang-ina! Anong ginagawa mo rito?! inis na tanong ko sa kaniya. "You're welcome!" sagot niya at naglakad na palayo. Hinabol ko siya. "Hoy! Sandali nga? Dumadami na yata ang role mo dito sa mundo, sinungaling na nga, ngayon pakialamera pa? Ganiyan ka ba talaga?!" Hindi siya tumigil kaya panay habol ko sa kaniya. "Ganiyan ka ba magpasalamat sa tumulong sa'yo?" "Wow! Una sa lahat wala akong dapat ipagpasalamat dahil hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo! Nakialam ka lang talaga!" "Eh di 'wag! Kung ayaw mo mag thank you, edi 'wag? Tumahimik ka na lang at huwag mo na akong susundan. Hindi 'yon magiging kawalan sa'kin!" "At talaga naman! Bat ba ang arte-arte mo ha?! Sa lahat ng babaing nakilala ko, ikaw! Ikaw ang pinaka-malala. Ikaw ang reyna ng mga dinosaur! Alam mo ba 'yon sungit?" "Ewan ko sa'yo! Kung ako dinosaur ikaw naman unggoy! Ang pangit mo!" "Ha? ako panget? Sa gwapo kung 'to? Nakakahiya naman sa'yo!" "Nakakahiya talaga dahil saksakan ka ng pangit. Iyang mukha mo pati ugali mo, match na match!" "Alam mo sagad na sagad na psensya ko sa'yo kulot ha! Nagtitimpi lang ako.Kapag hindi ka pa tumigil sa kakasabi ng pangit hahalikan kita!" "Subukan mo at babaliin ko ang leeg mo!" "Kung kaya mo!" "At kaya ko naman tala-" Putspa mani popcorn! Hindi ko alam kung anong kabaliwan ang ginawa ko. Hinatak ko siya. Ramdam ko ang init ng labi niya habang nakadikit sa labi ko. Pakiramdam ko dumaan sa mga ugat ko ang init na iyon at bumaba sa dibdib ko dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Nabingi na rin yata ako dahil wala akong ibang nairinig kung hindi ang dagundong nito. Palakas ng palakas. Pabilis ng pabilis. Ilang sandali pa uminit ang pisngi ko. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon para akong sasabog na natatakot na ewan. Napapikit na lang ako sa kakaibang dulot ng labi niya. "Manyak!" sigaw niya saka ako tinulak. Noon lang ako bumalik sa katinuan. "H-hoy ku," hindi ko na alam ang sasabihin ko. Wala akong maisip na sabihin. Hindi ko rin alam kung susundan ko ba siya para magsorry o titigil na lang. Kasalanan naman niya kung bakit ko ginawa 'yon. Ayaw niya tumigil eh! Ayun tuloy nahalikan ko siya. Si kulot? Nahalikan ko? Punyemas! Gusto kong tumawa pero natatakot ako. Hay nako, Brian! Anong ginawa mo? Hindi ka talaga nag-iisip! Pa'no kung magsumbong 'yon? Tiyak sa Probinsya ang bagsak ko! Agh! Bahala na nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD