Chapter 15: Distance

1800 Words
Cassandra's POV Lintik na Salcedo! Gago ba siya? Ninakaw niya ang first kiss ko! -- Flashback Hindi ko siya natiis. Nakita ko na lang ang sarili ko na sinusundan siya. 'Yon nga lang hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko sa kaniya. Magsosorry ba ako? Swerte naman niya kapag nagkataon. Sa sobrang pagmamadali niya ay may nabangga pa siyang mga babae na pinagmumura niya rin. Ang lakas ng boses niya parang walang pakialam sa makakarinig. Nag-alangan ulit ako kung talagang susundan ko ba talaga siya kasi the way na kausapin niya ang mga babaing yon, mainit talaga ang ulo niya. Instead of moving forward, lumiko ako papuntang library. Magbabasa na lang siguro ako ng libro. Baka sumaya pa ang loob ko. Bahala na siya sa magulong buhay niya! Wala naman talaga akong kasalanan eh. Siya ang unang nangulit! Tapos ngayon magtatampo siya? Ano siya alien? Kaso hindi ko pa nasimulan ang babasahin ko, inusig na naman ako ng konsensya ko, which is sa tingin ko ay wala siya. Tumakbo ako palabas at hinanap siya. Wala siya sa canteen kaya nagtanong ako sa mga estudyanteng nakatambay sa labas. Natagpuan ko nga ang loko nakahiga sa semento sa likod ng canteen. Balak yata magpabugbog sa kung sino lang. Kung alam ko lang na iyon lang ang hinahanap niya edi ako na sana ang sumapak sa kaniya. Binigyan niya pa ng trabaho ang iba. Nang umaktong susuntukin niya si Brian kahit nakahandusay na, mabilis ang respond ng paa ko. Nasipa ko siya sa panga kaya bumulagta siya. Ang sakit tuloy ng hita ko! Hayss. Hinilot ko muna ng konti kasi nanakit dahil sa biglaang stretch. Ang pakialamera ko naman kasi! Hays. Narinig kong tumawag siyang "kulot" sa'kin kaya napalingon ako sa kaniya at nagulat ng konti dahil nakatayo na siya. Imbes nga magpasalamat ay galit pa yata siya at kung anong pinagtatalak. Pumasok ang init ng panahon sa utak ko at nainis na naman ako sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay at binilisan ko na lang ang lakad palayo sa kaniya pero panay habol pa rin parang aso. Kainis! Dami pa kasing sinasabi kaya ako naman itong ayaw magpatalo panay rin ang sagot. Marami na raw akong role sa mundo. Malamang! Anong gusto niya maging puno na lang ako na nakatayo sa tabi? Tao ako na may pakiramdam at may pakialam. Hindi kagaya niya na alien. Walang pakialam kung may masaktan man siyang iba. Namalayan ko na lang na wala nang salitang lumabas sa bibig ko ng maramdaman ko ang labi niya nakadikit sa labi ko. Nataranta ako dahil sa ginawa niya kaya naitulak ko siya. Dali-dali na akong umalis at bumalik ng classroom. --- Nagpaalam na lang ako sa Mama niya na hindi muna makakapasok bukas dahil parang masama ang pakiramdam ko. Ang totoo ayaw ko lang munang makita ang asungot na 'yon. He has crossed the line this time! "Totoo ba? Hindi ka papasok bukas?" Si Randy, nakangiti habang nagtatanong. "Ah oo, masama pakiramdam ko eh. Hindi muna ako papasok." Kaagad naman niyang hinawakan ang noo ko. "May lagnat ka ba? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Teka ba't hindi tayo sumaglit sa Seven Evelyn para bumili ng gamot? Libre ko na," aya niya sa'kin sabay hila. Hinila ko siya pabalik. "Ha, eh? Hindi 'wag na. Gagastos ka na naman eh. Okay lang ako, ano ka ba? Mas malakas pa yata ako sa kalabaw," natatawang wika ko sa kaniya. Ngunit bago pa man ako makapag-rason ulit ay nahila na niya ako papuntang store ng Seven Evelyn. "Okay ito ang mga meds," he handed it to me." Inumin mo 'yan mamaya, 'wag na 'wag mong kakalimutan,okay?" Bilin niya sa akin saka nag-ayos ng glasses niya. "Wait, kunin ko lang ang pagkain natin ha." "Ha? Anong pagkain na'tin?" tanong ko. Hindi man lang siya nag-atubiling sagutin ako.. Naghintay na lang ako sa upuan. Bahala na nga lang siya tutal malaki na siya. Alam na naman niya ang ginagawa niya. Dumako ang tingin ko sa labas habang wala pa si Randy. Tinatamad na akong tumayo at sundan siya. Nawili ako sa tingin ko sa labas dahil may nakita akong dalawang batang lalaki na naglalaro ng baril-barilan. Ang saya nila tingnan parang batang action star. Parang gusto ko ngang sumali eh. Biro lang! Aliw na aliw na sana ako sa kanilang dalawa ng parang may dumaang pamilyar na mga mukha. Taena! Sinusundan ba niya ako? I mean nila? Ang manyak na 'yon! Talagang ang kapal ng mukha! Parang walang nangyari kanina nakikipagkulitan pa sa kambal na 'yon! Itinago ko ang mukha ko sa mga kamay ko. Ang lapit lang kasi ng upuan sa salamin na dingding ng store. Nakikita pa naman sa labas. Dapat hindi nila ako makita. I also prayed na sana hindi na sila pumasok. May sa demonyito yata talaga ang lalaking 'yon dahil rinig ko ang pagbukas ng pintuan. "Hey! Di'ba si Cassandra 'yon? Rinig kong tanong ng isa sa kanila. Punyemas talaga! Hindi pa talaga nakuntento at lumapit pa sila sa'kin. "Cass, narito ka rin pala. Akala ko ba may sakit ka? Hindi ba nagpaalam ka kay Tita na hindi ka magtututor bukas? Bakit ka nandito?" usisa ni Moon. "Baka ayaw lang niya na makita si ano," biro naman ni Sky sabay siko sa kambal niya habang ang tingin ay na kay Brian. "Tigilan niyo na nga siya. Hayaan niyo na kung anong gusto niya," seryosong sabat ni Brian. Wow! Ibang Brian yata ngayon ang nasa harap ko. "Bro, galit ka pa rin ba sa kaniya?" tanong uli ni Moon. "S-siguro," maikling sagot niya. "Siguro?" iritang ulit ko sa sinabi niya. Napatayo na rin ako. "Ang kapal naman ng mukha mo! Dapat nga ako ang nagagalit sa'yo ngayon dahil sa ginawa mo sa akin kanina eh!" "A-anong ginawa mo kanina?" sabay na tanong ng kambal. It seems like they're suspecting something bad. Natutop ko ang bibig ko. Sh*t! Baka malaman pa ng tsimosong kambal na'to ang nangyari! Hayss! Napaka-yabang naman kasi ng tukmol na 'to kung ano tuloy nasabi ko! "Ito na foods na'tin, Ca--a-anong ginagawa nila rito?" Kitang-kita ko ang pagbabagong reaksyon ng mukha ni Randy. Parang hindi siya masaya na makita ang tatlo. "Bakit sa'yo ba ang store na 'to?" sarkastikong sagot ni Moon na tila naghahamon ng away. "Ah, Randy. Halikana upo ka na dyan sa harap ko. Hayaan mo na silang tatlo," kuha ko sa atensyon niya. Baka kasi magkainitan pa sila at wala akong energy para umawat. "Ano pa ang ginagawa niyo? Umalis na nga kayo nang-iistorbo ka'yo eh!" Taboy ko sa kanila. I act like shooing them away. "Ano 'yan date?" Pabirong tanong ni Moon. Date? Putspa mani popcorn. Ni hindi pumasok sa isip ko ang sinabi niya. "Anong date? Ikaw Moon malapit na'ko mapikon sa'yo kapag ako hindi na makapagpigil tatamaan ka na talaga sa'kin!" Nagtago naman siya sa likuran ni Brian na parang bata. "Kasi naman parang nagde-date naman talaga kasi kayo," dagdag pa ni Sky. "Isa ka pa, hindi ba pwedeng kakain lang at may bibilhing--" "Tara na nga! Wala naman tayong mabibili rito eh!" seryosong sabi ni Brian at naunang lumabas. Ni hindi man lang ako pinatapos mag-explain. "Anyare 'don?" nagtatakang tanong naman ng dalawa. Kahit nga ako ay nagulat sa ginawa niya. Nag-eexpect nga ako na pagsasabihan na naman niya ako ng kung anu-ano pero tahimik lang ang halimaw. Nakakapanibago! "Aba malay ko! Sundan niyo na nga siya tutal wala naman kayong bibilhin di'ba? Tsupe!" taboy ko ulit sa kanilang dalawa. Hinabol naman nila si Brian na seryoso pa rin ang mukha. "Ano kayang nakain no'n? Iba ang topak ng Brian na 'yon ngayon no?" nagtataka pa rin na tanong ko kay Randy. "Alam mo Cass, masarap daw hotdog sandwich nila dito. Kainin mo na baka lumamig pa masarap 'yan i-partner sa soda. Iyong gamot mo nga pala, wag kakalimutan ha," masigla na namang paalala niya sa'kin. "Opo! Nakadalawang paalala ka na po, itay!" Biro ko sa kaniya. "Gross!" Sagot niya. "I'm too young to be your dad, but you know ahm I am in the right age to be your man," may pagka romantikong wika niya. May hagod ang bawat words eh. "Ha?" Natatawang ginulo ko ang buhok niya." Marunong ka na magpick-up line ngayon ah! Halika na nga! Kumain na lang tayo!" aya ko sa kaniya. Sumang-ayon naman siya habang inaayos pabalik ang kaniyang buhok. "Pero ang ganda ng pick-up line na 'yon ah. I swear, magagamit mo 'yan sa liligawan mo kung sakali. Tiyak kikiligin 'yon." He simply smiled. "Talaga ba? Hindi kaya siya mandidiri kapag sinabi ko 'yon sa kaniya?" "Bakit naman siya mandidiri?" Protesta ko. "Ikaw na 'yan eh. You are smart and handsome, medyo mahiyain nga lang pero i'm pretty sure that you are genuine. Kaya nga dapat mas swerte pa siya eh. Teka? Maitanong ko nga may nagugustuhan ka na ba?" Eksayted na tanong ko sa kaniya. "Ah eh," pabitin niyang sagot. "Ayaw sabihin? What are our friends two? At may sinesekreto ka na pala sa'kin ngayon ah? Nakakatampo," nag-sad face ako kunware. "Anyway, kilala ko ba siya? Classmate na'tin? Maganda ba? Baka naman mas maganda pa ako diyan ha?" Tumawa lang siya sa sunod-sunod na tanong ko. "Well, kung gusto mo talagang malaman," he paused for a while. "She's beautiful, with pure heart," wika niya in a dreamy tone. "Kaso, pakiramdam ko hindi niya ako nakikita eh," seryosong kwento niya. "Ha? Bakit bulag ba siya?" Humagalpak siya sa tawa. Buti nga lang hindi siya nabulunan. "Your crazy, Cass! Seriously hindi siya bulag physically but, she couldn't see me the way I see her. Siguro kasi she has a lot of stuff to deal with," malungkot na tugon niya. "Ah busy siya? Eh baka kasi hindi pa tamang panahon? One day, if the time is right she'll see your value. She'll see you the way you are seeing her. 'Wag ka lang susuko kasi malay mo di'ba siya na ang the one?" I winked at him. "Siguro nga. Thanks, Cass. Pakiramdam ko nabigyan na naman ako ng hope dahil sa sinabi mo." Hinawakan ko ang isang kamay niya na nakapatong sa mesa. "I'm your bestfriend, Rands. You know I will always be here for you. Huwag ka lang talagang sasaktan non dahil kapag nagkamali siya pupulbusin ko ang mukha niya at gagawing pulbura." "Pulbura?" tanong niya ulit. "Oo pulbura. You know grenade right? Eaay come easy go. Ganun! May pulbura." Tumawa siya. "Baliw ka talaga minsan. Tapusin na nga natin ang pagkain natin." Minsan lang para sa kaniya. Para sa akin baliw ako palagi. Pero mas baliw ang kumag na Brian na 'yon. I gasped for air. My life is too messy, maraming unnecessary na mga nagaganap. Just like that girl na nagugustuhan ni Randy, I have a lot of stuff to deal with. Hindi ko na nga alam kung anong uunahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD