TAIMTIM na nanalangin si Toni bilang pasasalamat sa magandang resulta ng MRI niya at iba pang examination. Mula sa ospital ay dumirekta sila ni Rushmore sa simbahan. Mabilis siyang matuto ng sign language habang ang lahat ay handa siyang i-accommodate kapag wala siyang marinig at magamit niya ang lip reading niya. And she somehow felt more normal and more positive. Maswerte siya dahil may mga taong handang mag-adjust para sa kanya dahil na rin sa pakiusap ni Rushmore. Subalit nakakulong pa rin siya sa comfort zone niya sa ngayon. Oras na umalis na siya doon ay hindi na niya maaasahang bigyan siya ng konsiderasyon ng lahat. Hindi lahat ay tatratuhin siya ng maganda. Di lingid sa kanya ang kalupitang dinadanas ng mga taong may kapansanan. Hindi siya sigurado kung anong pagtanggap ang makuku

