“Anong kalokohan ang sinasabi mo? Isang taong walang pandinig ang pinag-uusapan natin dito. Hindi ito biro,” bulalas ni Professor Edwin. Gusto na niyang itirik ang mata niya. Bakit ba lahat halos ay ayaw maniwala sa kanya? “Hindi ako nagbibiro. I have acoustic neuroma, a brain tumor that affects my hearbing. Isa sa sintomas ng sakit ko ay ang pagkakaroon ng tinnitus. Oras na marinig ko iyon ay nawawala ang pandinig ko. Oras na tanggalin ang tumor ko sa utak, mas malamang ay hindi na daw maisasalba ang pandinig ko. I still want to sing. I still want to perform. At mukhang ikaw lang ang pwedeng tumulong sa akin,” matapang niyang sabi. “Sandali. Gusto mo akong maging teacher?” Pagak itong tumawa at nang-uuyam siyang tiningnan. “Sa palagay mo ba tutulungan kita matapos ang kahihiyan na ibini

