HIRAKU
Bahala na kung ano man Ang magiging results Ang mahalaga ay mailigtas ko si Hannah. Mahirap man ipaliwanag kung paano Ako naging ganito .
Nang mahabol ko sila at tumigil muna ako para harangan Ang dadaanan nila ay nakakasiguro Ako na sa direksyon na ito sila dadaan. at di nga ako nagkamali at naharangan ko sila at tinutok ko Ang mata ko sa mata Ng may hawak Kay Hannah.
Pilit nyang iniiwas Ang mga mata nya pero malakas Ang kapangyarihan ko para mahipnotosmo ko sya at sumunod sa sinasabi Ng isip ko. dahan dahan nyang binaba si Hannah . Dahan dahan akong naglakad patungo kung asan silang dalawa Ng biglang mahimatay Ang kalaban Kong halimaw.
-
-
-
HANNAH
Nagising Ako sa isang silid at naaalala ko kung kaninong silid ito at Kay Hiraku yoon.kaya Dali Dali akong tumayo ngunit nakaramdam Ako Ng hapdi sa likod ko.
maya maya ay bumukas Ang pinto at si Hiraku Ang lumabas dito.Naalala ko bigla Ang mga pangyayari kanina kaya naglakas loob Ako na magtanong.
Sino Yung mga nakita ko na yon at sino ka ba talaga ano ka ba talaga-sunod sunod na tanong ko sa kanya na gusto ko agad masagot nya.
Ako ay isang kakaibang Halimaw ,3,050 years old na ko at Hindi Ako namamatay at kahit madagdagan Ng madagdagan Ang edad ko ay mananatili akong mukang bata. -sunod sunod din na sagot nya
Isa kang Immortal.Bakit Ako kinuha Ng mga Halimaw na yon. -tanong ko sa kanya
Pinagkamalan ka nilang dati Kong asawa-sagot nya
Ha? Paano nangyari yon?-nagtatakang tanong ko sa kanya,may inilabas sya sa pitaka nya at isang litrato inabot nya ito sa akin at kamukang kamuka ko ito ngunit kulot ito,at sa tabi Ng babae ay Ang nobyo ko na si Hiraku
Paanong nangyare yon?- tanong ko ulet sa kanya na namamangha sa mga nangyayare at natutuklasan ko.
Hindi ko Rin alam nagulat na Lang Ako Ng pumasok ka sa Academy ay nagulat Rin Ako na kamukang kamuka mo Ang dati Kong asawa . -sagot nya
Gusto Kong Malaman kung paano nangyare maaari mo ba akong tulungan para matuklasan kung paano nangyare to. Bakit kamuka ko Ang asawa mo.-hingi ko sa kanya Ng tulong
Yan Rin Ang gusto Kong mangyare na tuklasin natin Ang mga katotohanan na magkasama. -sagot nya
Di Ako natakot sa kanya dahil ewan ko kung ano Yung pakiramdam na to na parang ang laki Ng tiwala ko sa kanya. Kaya pala lagi ko syang napapanaginipan na may kasamang babae at Ng tumagal ay Ako na Ang babaeng nakakasama nya sa panaginip ko.
Dumaan Ang ilang araw o linggo ay nalaman ko din na karamihan Ng estudyante sa academy ay kagaya din nya at iilan lang Ang kagaya ko. Pati Ang dalawa Kong kaibigan na sina Ericka at Harold ay Ka uri din nya kaya pala Ganon na lng nila Ako protektahan dahil kakaiba Ako sa kanilang lahat dahil ayaw nila akong malagay sa kapahamakan .
Mga ilang libro na Rin Ang nabasa ko patungkol sa kalagayan nila at malapit sila sa mga Bampira parang Ganon sila dahil Ang mga Bampira ay Hindi tumatanda Ang itsura nila.
Ganon din kaya Ako? Pero malabo kasi nakita ko Naman Ang mga litrato ko nung bata Ako at normal Ako wala Namang kakaiba na nararamdaman sa katawan ko o katulad nila na mabilis kumilos ,Ang tanging kakaiba lang sa akin ay Ang asul Kong mata.
Sana ay Malaman ko na lahatlahat at kung saan Ako nagmula kung katulad din ba nila Ako dahil sa kamuka ko Ang dating asawa Ng nobyo ko.
Maraming tanong na walang kasagutan dito sa isip ko na gusto Kong Malaman agad agad pero paano?
Thank you for reading I hope you like it☺️