Monster

537 Words
Sa Dami Ng activities sa school ay diko na namalayan na matapos na Ang taon at sa susunod na pasukan ay 4th year college na Ako at matatapos na . iniisip ko pa lang na matatapos na ay nalulungkot agad Ako. Ilang araw ko na din Hindi nakikita Ang mga kaibigan ko na si Ericka at Harold dahil sa may importante daw silang ginagawa pagkatapos Ng klase at pinagtataka ko ay wala Naman kaming kailangan na gawin pagkatapos Ng taon na ito wala namang importante na inutos Ang mga guro namin sa kanila . Napabuntong hininga na Lang Ako dahil kahit papaano ay hinahanap ko parin Ang presensya nilang dalawa. Kahit parang aso at pusa sila kung mag away sa harapan ko. Pati Rin Ang nobyo ko ay Hindi Rin nagpaparamdam sa akin ,Ganon ba yon pagkatapos Ng saya ay Ang lungkot. Ewan pero namimiss ko sila at naninibago Ako sa kanila dahil wala sila sa tabi ko Ngayon. Nagmukmok Ako sa isang sulok nitong kwarto ko at napapaisip kung anong iluluto ko pero nagulat Ako Ng may narinig akong ingay sa ibaba Ng bahay namin . Natatakot Ako pero dumampot Ako Ng isang matigas na kahoy at dahan dahang bumaba sa hagdan . Ng malapit na Ako sa Sala ay nakita ko na kakaiba ang kanilang anyo. Para silang taong lobo . Pulang pula Ang mga mata at may hinahanap sila . Biglang lumingon sa direksyon ko Ang isang Halimaw oo Halimaw nga siguro un. Lalo akong kinabahan at nag sisigaw na Ako Ng tulong!!tulong!!tulong!! mabilis nyang tinakpan Ang bibig ko at binuhat Ako Ng walang kahirap hirap dahil nga malakas sya . Hanggang sa mawalan Ako Ng Malay. - - - nagising Ako Ng nasa bahay parin ako pero nakatali na Ang dalawa Kong kamay sa likuran ko pati Ang mga paa ko. lumingon lingon Ako at hinanap sila ngunit di parin pala sila umaalis tila may iniintay sila na dumating . madilim narin ang paligid at tanging ilaw lang na nanggaling sa kwarto ko Ang nagpapaliwanag sa isang sulok nitong Sala. Ano bang kailangan nyo sakin . -sigaw ko sa kanila kahit natatakot Ako ay naglakas loob akong magtanong. nakakatakot Ang mga itsura nila . Wala kaming kailangan Sayo,,,pero sa nobyo mo ,meron. -sagot Ng isang Halimaw at nanlilisik Ang dalawang mata. Wala sya dito -sagot ko Darating din sya -sagot nya at biglang bumukas Ang pinto at niluwa nito Ang aking nobyo na si Hiraku Dali Dali nyang sinunggaban Ang isang Halimaw at biglang nagbago Ang itsura Ng kanyang mga muka humaba Ang kuko at humaba Ang buhok nagkaron Ng pangil na mahahaba at lumabas Ang kulay Ng asul nyang mata. nagulat Ako sa nakita ko nagbago Ang anyo nya at naging isa syang Halimaw. Naiiba sa dalawang narito. Halimaw Ang aking nobyo . tulalang tanong ko sa isip ko. Hanggang sa maramdaman ko na binuhat Ako Ng isang Halimaw . nagpupumiglas Ako pero di ko magawang makatakas dahil nakagapos parin Ang kamay at mga paa ko. Hanggang sa nakaramdam Ako Ng hapdi sa aking likod at nagkasugat Ako dahil sa pagtalon Ng halimaw sa hagdan Hanggang sa makalabas kami at nakarating sa malapit na gubat. Hanggang sa mawalan Ako Ng Malay .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD