CAITH "PAMONITOR na lang po ulit, 'ma… Message mo po ako kung anong nangyayari," nag-aalalang usal ko kay Mama sa kabilang linya. "Sige, basta antabay ka lang sa phone mo pero focus ka diyan sa trabaho at kami na nila Cheska ang bahala kay Faye… tawagan na lang ulit kita," saad ni Mama. Kahit hindi kita ay tumango ako at bumuntong hininga. "Salamat, 'ma! Tawag na lang po kayo ulit kung ano pong nangyayari," saad ko bago ito nagpaalam sa akin. Muli akong napabuntong hininga nang mababa ko ang tawag. Akala ko noong nakaraan ay okay na si Faye pero hindi pa pala at bumalik ang lagnat nito. Mukhang napagod sa pakikipaglaro kay Ali noong nakaraan. Ayaw na kasi halos maghiwalay noong dalawa na iyon kasi! Simula noong nanggaling kami kila lola ay ayaw na ni Ali na umuwi ng unit niya kakala

