DUSTIN "ANG sweet! Ang dami na pong langgam," usal ni JK kaya agad na naghiwalay sila Tita at tumingin sa amin. "Ay nandito pala kayong pamilya!" saad ni tita at mabilis na umalis sa harap ni tito. "Si Camille po kasi gusto lagi dito… namimiss po kayo," usal ni JK sabay tingin sa akin at ngumisi. "Napapadalas ka dito, Alikabok ha," usal nito sa akin. "Pinayagan ako e," sagot ko naman na ikinataas ng kilay niya. Akmang sasagot ito nang saktong dumungaw din si Cai na buhat si Faye. "Dada!" Sigaw ni Faye nang makita ako nito, hindi ko pa naman ubos ang kape na nasa harap ko ay tumayo na ako at nilapitan sila. Kung titignan talaga ay mukha kaming pamilya na hindi pa pwede magsama. "Okay na kayo?" tanong ko sa kanila bago kinuha si Faye sa kan'ya. I want to be more comfortable in fron

