DUSTIN MABILIS ko ng kinuha ang phone ko para sana idial ang number niya pero liwanag pa lang ng phone ko ay parang hindi ko kayang tagalan. Nandoon pa din ang hilo sa akin. Mabilis na may humablot ng phone ko kaya nawala iyon sa kamay ko. "You can do that later but for now, rest. Kami na bahala doon sa ex ni Cai," Hindi naman na ako umangal pa at muli na lang pumikit dahil tumitibok t***k ang ulo ko. Muli akong nakatulog at ipinahinga ang katawan ko. "DITO tayo, Tin," tawag ni Trev sa amin habang naglalakad kami sa hallway ng facility. Nang magising kasi ako at makarecover ng lakas ay mabilis akong lumabas ng ospital. At dahil umaga na din ng linggo ay dumiretso na kami sa facility kung nasaan si Lloyd. Maganda ang facility at pati na ang security. Hindi na makakatakas si Lloyd di

