bc

Engaged in Disguise

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
revenge
family
HE
fated
opposites attract
friends to lovers
arranged marriage
heir/heiress
drama
sweet
lighthearted
serious
city
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Socialite heiress Luna Hart agrees to go undercover as a simple secretary to spy on her arranged fiancé, Jace Sullivan—only to discover he's a cold-hearted playboy who's everything she feared. But when he starts falling for his mysterious new secretary (not knowing she's his future bride), Luna finds herself caught in a dangerous game of deception, desire, and corporate warfare. Now with only one year to bring down the Sullivan empire before she's forced to marry the man she's falling for, Luna must decide: destroy him or save him?

chap-preview
Free preview
Prologue
My life is perfect. At least, that's what everyone thinks. Nakaupo ako ngayon sa balcony ng penthouse ko, hawak ang champagne glass na puno pa. Ang view mula dito ay sobrang ganda—kitang-kita ko ang buong Metro Manila. Ang mga ilaw ng city ay parang mga bituin na nahulog sa lupa. Malamig ang simoy ng hangin, suot ko ang dress ko na galing sa latest Chanel collection, at ang heels ko ay limited edition Louboutin na personal na dineliver ng boutique mismo kahapon. Perfect, right? Pero bakit may pakiramdam akong may mali? Bakit parang may kulang? I drink my champagne. Ang lasa ay maasim, but my friends love it. Fifty thousand pesos per bottle, sabi nila. But for me, lasang puro bubbles lang. "Luna! Luna, where are you?" Sigaw ni Cassandra galing sa loob ng condo ko. Si Cassandra ay isa sa mga best friends ko. Well, best friend. Yan ang tawag namin sa isa't isa. Pero alam ko naman sa sarili ko na pag nawala ang pera ko, mawawala rin siya. Ganun naman talaga sa mundo namin eh. Pera ang magdidikta kung sino ang magiging kaibigan mo. "Dito ako sa balcony!" Sigaw ko pabalik, pero di ako tumayo. Ayaw kong bumalik sa loob. Ayaw kong makita yung party na nangyayari ngayon sa sala ko. Hindi ko naman gusto tong party na to, pero nangyari na naman. Lagi na lang may party. Lagi na lang may event. Lagi na lang may nangyayari, pero sa totoo lang, wala kaming ginagawa. Wala kaming silbi. Lumabas si Cassandra sa balcony. Suot niya ang white bandage dress na sobrang sikip. Sigurado akong Herve Leger yan. Ang makeup niya ay sobrang perfect, ang hair niya ay naka-blowdry. Mukhang model. Pero ang mukha niya ngayon ay parang disappointed. "Girl, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya, lumapit sa akin. "Si Marcus nasa loob, hinahanap ka. You know naman na gusto ka nun, diba? At hello, ang yaman ng family nila! Oil business yan, Luna! Oil!" Umiling ako. "Not interested with Marcus. Boring siya." "Boring pero super yaman," sabi ni Cassandra. Umupo siya sa tabi ko, kinuha niya yung champagne bottle na naka-patong sa table at nag-lagay sa sarili niyang baso. "Besides, girl, since when ka naging picky? Last month lang, nang-date ka ng actor, yung walang utak pero sobrang gwapo. Tapos yung race car driver na palaging wala sa bansa. Tapos yung—" "Okay, Cass. I get it." Putol ko sa kanya. Alam kong tama siya. Pangit ang dating ng love life ko. Pero wala eh. Lahat ng nakakikilala ko, lahat ng nadi-date ko, pareho lang. Either gusto lang nila yung pera ko, or gusto nila yung apelyido ko—Hart, or gusto lang nila yung mukha ko. Walang nakakakita sa totoong ako. Pero meron ba talagang totoong ako? O puro fake lang lahat? "Anyway, babalik na ako sa loob," sabi ni Cassandra, tumayo na. "Si Tricia may dalang bagong chismis about kay Senator Rodriguez. May bagong mistress daw. Twenty-two years old lang, college student pa!" Cassandra disappeared back into the condo, leaving Luna alone once more. Kinuha ko yung phone ko galing sa clutch bag ko. Nag-open ako ng i********:. Ang feed ko ay puno ng pictures galing sa party kanina. Pictures galing sa party last week. Pictures galing sa Maldives vacation ko last month. Lahat ng pictures, nakangiti ako. Lahat, mukhang happy. Lahat, mukhang perfect. Pero fake lahat yun. Nag-scroll down ako sa comments. "Goals!" "Sana all mayaman!" "Living your best life!" "I want to be you!" Napatigil ako sa last comment. You want to be me? Seriously? Kung alam mo lang kung gaano ka-empty ang buhay ko, you won't say that. Biglang tumunog ang phone ko. Incoming call. Incoming call… Lolo Felix. Shit. Tiningnan ko ang oras sa phone. 11:47 PM. Bakit gising pa si Lolo? And bakit siya tumatawag sa oras na to? Huminga ako ng malalim. Pag tumatawag si Lolo ng ganito ka-late, may problema yan. Sinagot ko yung call. "Hi, Lolo," sabi ko, trying to sound casual. "Luna Marie Hart." Ang boses ni Lolo ay mababa. Seryoso. Uh-oh. Pag full name ang ginamit niya, ibig sabihin ay may problema talaga. Big problem. "Nasaan ka ngayon?" "Nandito lang po ako sa condo, Lolo," sagot ko. "May small gathering lang kami ng friends, nothing big—" "Small gathering?" Putol niya sa akin. Ang tono niya ay parang galit. "Luna, nakita ko ang i********: mo. May over one hundred people sa condo mo right now. May DJ pa. May caterer. May bartender. Yan ang tawag mong small gathering?" Napakagat ako ng lower lip ko. Damn you, social media. "Lolo, it's just—" "Bukas. Eight AM sharp." Putol niya ulit. Walang room for negotiation ang boses niya. "Pumunta ka dito sa bahay. We need to talk. It’s important." "Pero Lolo, Saturday bukas eh," sabi ko. "May brunch plans ako with Tricia and the girls—" "Cancel mo." Walang emosyon ang boses niya. Cold. "This is very important, Luna. Huwag kang malate. You know how I hate tardiness." Tapos binaba niya. Nakatulala ako sa phone ko. Ano nanaman kayang problema? Last time na ganito ka-seryoso si Lolo, pinutol niya yung isa sa credit cards ko. Sabi niya, nag-overspend daw ako. Over the limit daw. Pero ang limit ko lang naman ay two hundred thousand pesos per month for shopping. Hindi naman yun sobra, diba? Normal lang yun. At least para sa akin. Tumayo ako at pumasok ulit sa loob ng condo. Ang party ay tuloy pa rin. Ang tugtog ay malakas. Ang tawa ng mga tao ay rinig na rinig. May group na nagsho-shot ng tequila sa kitchen. May couple na nag-make out sa corner. Si Marcus ay nakita ako, lumapit agad. "Luna! There you are!" Sabi niya, malaki ang ngiti. Ang kamay niya ay umabot agad sa baywang ko. "I've been looking all over for you. Come, let's dance—" Inalis ko yung kamay niya. "Marcus, I'm tired. I think you should go home na." Shock was all over his face. "What? But the party just started pa! It's not even midnight!" "Well, I'm done." Lumayo ako sa kanya, tapos sumigaw ako para marinig ako ng lahat. "Guys! Everyone! Party's over! Time to go home na!" May nag-groan. May nagtanong kung bakit. May nag-boo pa. Pero wala akong pakialam. Gusto ko lang talaga na mag-isa. Gusto ko ng quiet. Gusto kong mag-isip. Mga thirty minutes bago umalis lahat. Ang iba ay nag-complain pa. Ang iba ay nagtanong kung okay lang ba ako. Sinabi ko lang na pagod ako at walang problema. Pero meron. May problema. Ako yung problema. Nang mawala na silang lahat, tiningnan ko yung condo ko. Kalat. Sobrang kalat. May basag na wine glass sa floor. May food stains sa white couch ko. May wine spill sa carpet. May vase na nabasag. Pero wala akong energy to clean. May service naman bukas na darating. Yan ang work nila. Pumasok ako sa master bedroom ko. Hinubad ko yung heels ko, yung dress ko. Nag-shower ako. Ang tubig ay mainit, pero parang hindi nawala yung lamig na nararamdaman ko sa loob. Pagkatapos mag-shower, nag-suot ako ng pajamas. Nahiga ako sa king-size bed ko. The sheets is Egyptian cotton. The pillows is memory foam. Ang bed frame ay imported from Italy. Pero parang ang tigas pa rin. Tiningnan ko yung ceiling. May chandelier na nakasabit. Austrian crystals. Worth sixty thousand dollars, sabi nung interior designer ko. Sixty thousand dollars for something na nakasabit lang. Parang buhay ko. Maganda, mahal, pero walang purpose. Pumikit ako. Trying to sleep. Pero yung boses pa rin ni lolo ang nasa isip ko. "We need to talk . It’s Important." Ano kaya yun? I wake up to loud knocking on my bedroom door. "Ma'am Luna! Ma'am Luna, gising na po kayo!" Ang boses ni Manang Rosa, yung helper na tumutulong sa akin dito sa condo. "Alas siyete na po! Kailangan niyo nang mag-prepare!" Shit. Si Lolo. Eight AM ang sabi niya. Bumangon ako agad kahit masakit pa yung ulo ko. Hangover galing sa champagne kagabi. Tumakbo ako papunta sa bathroom. Nag-toothbrush. Nag-wash ng face. Nag-apply ng toner, moisturizer, sunblock. Nag-brush ng hair. Bumalik ako sa walk-in closet ko. Ang closet ko ay malaki—isang buong kwarto. Puno ng damit, bags, shoes. Lahat branded. Lahat mahal. Lahat... sobra. Pero kailangan kong mag-ingat sa papasukhin kay Lolo. Ayaw niya ng sobrang revealing. Ayaw niya ng sobrang flashy. Ayaw niya ng anything na "trying too hard" daw. Kinuha ko yung white silk blouse—simple, classy. Tsaka beige slacks. Hindi masyadong fit, pero hindi rin loose. Kumuha ako ng nude pumps, low heels lang. Minimal jewelry—small pearl earrings, simple watch. For makeup, light lang. Foundation, concealer, blush, mascara, nude lipstick. Yung hair ko, nag-ponytail lang ako. Sleek and simple. Tiningnan ko yung sarili ko sa mirror. Acceptable. Hopefully. Bumaba ako galing sa penthouse. Si Manang Rosa ay nag-prepare na ng coffee at pandesal sa kitchen, pero umiling ako. "Thank you, Manang, pero I have to go na," sabi ko. "Pero Ma'am, wala pa kayong breakfast—" "It's okay, Manang. I'll eat later." Lumabas ako ng building, pumunta sa parking lot. Yung Range Rover ko—white, latest model—ay nandun. Sumakay ako, nag-start ng engine. Driving papunta sa Tagaytay ay matagal. Mga one and a half hours dahil sa traffic sa South Luzon Expressway. Habang nagmamaneho ako, nag-iisip ako ng possible reasons bakit ako tinawag ni Lolo. Reason number one: gusto niya akong pag-trabahuin sa Hart Industries. Hindi. Nag-try na kami nun dati. Two weeks lang ako nag-last. Sobrang boring ng office work. Ang daming meetings. Ang daming paperwork. Hindi ko kinaya. Reason number two: gusto niyang i-cut yung allowance ko. Possible. Ginawa niya na yan before, pero after a few months, binalik niya rin naman. Reason number three: may sakit siya. Yung third reason ay yung nakakatabla sa akin. Yung nakaka-scare. Kasi si Lolo lang yung meron ako. Yung parents ko, lagi silang nasa States. Busy sa business nila dun. Yung mga kapatid ko, may sarili na ring buhay. Si Lolo lang yung nandyan. Lagi. Kahit na parati niya akong sinisesermonan, kahit na parati kaming nag-aaway, siya pa rin yung nag-care. Please, wag naman sanang may sakit siya. Pagdating ko sa gate ng Hart Estate, agad na nag-open yung security. Nakilala nila yung kotse ko. Pumasok ako. Ang Hart Estate ay sobrang laki. Ten hectares. May main house na parang mansion. May guest houses. May swimming pool—Olympic size. May garden na puno ng flowers. May stable pa para sa mga kabayo. Dito ako lumaki. Dito ako nag-grow up after mag-migrate yung parents ko sa States nung high school pa lang ako. Si Lolo yung nag-raise sa akin. Siya yung nag-teach sa akin kung paano mag-ride ng kabayo. Siya yung nag-teach sa akin kung paano mag-swim properly. Siya yung nag-introduce sa akin ng art, ng music, ng literature. Siya rin yung nag-spoil sa akin. Lahat ng gusto ko, binibigay niya. Lahat ng hiling ko, ginagawa niya. Maybe that's why I turned out like this. Spoiled. Walang direction. Walang purpose. Pinapark ko yung Range Rover sa driveway. Bumaba ako. Si Manang Betty, yung head housekeeper ng estate, ay sumalubong sa akin sa entrance. "Good morning po, Ma'am Luna," bati niya, malaki ang ngiti. "Nandoon na po si Don Felix sa study niya. Naghihintay po siya sa inyo." "Thank you, Manang Betty," sagot ko. Pumasok ako sa loob ng mansion. Ang hallway ay puno ng paintings—original works ng National Artists. May sculpture na gawa ni Guillermo Tolentino. May antique furniture na galing pa sa Spain. Lahat dito ay may history. May story. May meaning. Unlike me. Naglakad ako papunta sa study ni Lolo. Ang study niya ay nasa east wing ng mansion. Habang naglalakad ako, naalala ko yung mga childhood memories ko dito. Yung pagtakbo ko sa hallways na to. Yung paglaro ko ng hide and seek with my cousins. Yung pag-iyak ko nung umalis yung parents ko. Yung lahat ng memories na to, kasama si Lolo. Nakarating ako sa harap ng study room. Kumatok ako nang tatlong beses. "Come in." Ang boses ni Lolo galing sa loob. Binuksan ko yung pinto at dumeretso na ako sa loob. Ang study room ni Lolo ay parang sa mga movies. May floor-to-ceiling bookshelves na puno ng books. May fireplace na naka-on kahit hindi naman sobrang lamig. May mahogany desk na sobrang laki. May leather chairs. May paintings sa walls. May window na malaki na tanaw ang malawak na garden. Si Lolo ay nakaupo sa swivel chair niya sa likod ng desk. Naka-reading glasses siya. May hawak siyang documents. He’s wearing his signature barong. Maputi na rin ang mga buhok niya, pero ang posture niya ay tuwid pa rin. His presence is still the same–commanding. Intimidating. Kahit seventy-five years old na si Lolo, parang nasa prime pa rin niya. "Good morning, Lolo," bati ko. Lumapit ako, yumuko para humalik sa cheek niya. "Sit down, Luna," sabi niya. Tinuro niya yung upuan sa harap ng desk. Umupo ako. Ramdam ko yung t***k ng puso ko. Bakit ba kinakabahan ako? Hinubad ni Lolo yung reading glasses niya. Inilapag niya sa desk. Tumingin siya directly sa akin. Yung mga mata niya—dark brown, sharp, observant—at parang nakikita lahat. Lahat ng secrets ko. Lahat ng lies ko. Lahat ng fears ko. "Luna," simula niya. "Ilang taon ka na?" "Twenty-six po, Lolo," sagot ko. "Twenty-six." Ulit niya. "Twenty-six years old. And ano na ang na-achieve mo so far sa buhay mo?" Natigilan ako. "Lolo, I—" "Let me answer that for you," putol niya. Ang boses niya ay kalmado pero may edge. "Wala. You've achieved nothing, Luna. Yes, nag-graduate ka ng college. Business Management pa nga ang course mo. c*m laude ka pa. Pero after graduation, ano ginawa mo? Party. Shopping. Travel. Ulit. Yan lang. Paulit-ulit." Nakaramdam ako nang kirot sa puso ko. Alam kong totoo yung sinasabi niya, pero masakit pa rin marinig. "You're the eldest granddaughter of this family," tuloy ni Lolo. "You're supposed to be the next in line for Hart Industries. You're supposed to be the future of this company. Pero tingnan mo yang sarili mo. Ano ang naiisip ng mga tao pag narinig nila yung pangalan mo? They think—spoiled brat. Party girl. Walang kwenta." "Lolo, that's not fair—" simula ko. "Fair?" Tumayo si Lolo. Hindi siya sumigaw, pero tumaas yung boses niya. "You want to talk about fair, Luna? Ang unfair ay ang binigay ko sa'yo lahat ng opportunities. Lahat ng resources. Best education. Best connections. Best life. Tapos ano ginawa mo? Sinasayang mo lang. Habang may mga taong nag-work ng twenty hours a day just para maka-survive, ikaw nag-rereklamo dahil na-limit yung shopping budget mo to two hundred thousand a month." Tumulo yung luha ko. Hindi ko napigilan. Ang sakit kasi ng mga sinasabi niya. At ang mas masakit, totoo lahat. Bumalik sa upuan si Lolo. Huminga siya ng malalim. Kumalma siya bago nagsalita ulit. "I love you, Luna," sabi niya, mas soft na yung boses. "You know that, right? You're my favorite apo. But because I love you, I need to teach you a lesson. A hard lesson." Nag-angat ako ng tingin. Pinunasan ko yung luha. "What kind of lesson po, Lolo?" Kumuha si Lolo ng brown folder galing sa drawer ng desk niya. Inilapag niya sa table. Binuksan niya ito at kinuhang picture sa loob. Iniabot niya ito sa akin. Isang lalaki. Mukhang around late twenties, siguro early thirties. Gwapo—matangkad based sa picture, mestizo features, yung mata ay dark at parang may secrets. May jawline na parang carved. Naka-three piece suit siya, business attire. Yung aura niya sa picture ay cold. Seryoso. Intimidating. "Who is he?" tanong ko, confused. Si Lolo ay tumingin sa akin. Seryoso. Walang mababakas na emosyon sa mukha. "His name is Jace Alexander Sullivan," sabi niya. "Twenty-nine years old. CEO of Sullivan Corporation. At..." tumigil siya sandali. "Your future husband." Nabitawan ko yung picture. Biglang tumigil ang mundo ko. "WHAT?!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
5.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

The Real About My Husband

read
35.5K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.6K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.6K
bc

Falling to the Virgin Single Mom

read
10.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
26.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook