APAT na linggo na ang lumipas simula nang pumasok si Celeste bilang sekretarya ni Jace. Isang buwan na ang nakararaan mula nang simulan niya ang kanyang misyon—at isang buwan na rin simula nang mahulog ang kanyang loob sa lalaking dapat ay kanyang iniimbestigahan.
Naka-upo si Celeste sa kanyang desk, tila abala sa pag-aayos ng mga files, ngunit ang kanyang mga mata ay pabalik-balik sa pinto ng opisina ni Jace. Tahimik ang buong floor; nasa isang labas na meeting si Jace at mag-isa lamang siya.
Ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Perfect timing.
Kailangan na niyang gawin ang orihinal niyang pakay. Ang mag-spy, maghanap ng ebidensya, at mag-imbestiga. Nitong nakaraang buwan, pilit niya itong iniiwasan dahil sa tindi ng kanyang guilt at sa distractions ng kanyang damdamin. Pero matapos ang engkwentro nila ni Don Ricardo noong Sabado, muling nag-alab ang kanyang determinasyon. Kailangan niyang makahanap ng patunay ng mga ilegal na aktibidad ng matanda upang maprotektahan ang Hart Industries at mailantad ang kabulukan ng mga Sullivan.
Tumayo siya at mabilis na nirepaso ang paligid. Walang tao. Bagaman may mga CCTV, alam niya ang mga blind spots nito. Huminga siya nang malalim at pumasok sa opisina ni Jace. Bilang sekretarya, may access siya rito, kaya hindi nakakandado ang pinto.
Malinis at organisado ang loob. May mga filing cabinets at isang safe, pero alam niyang hindi niya basta-basta mabubuksan ang mga iyon. Lumapit siya sa computer ni Jace. Password protected ito, ngunit naalala niya ang password na ginamit ni Jace sa isang briefing noon: JAS290796—ang kanyang inisyal at kaarawan.
Access granted.
Siniyasat niya ang mga folder: "Financial Reports," "Board Meetings," "Client Contracts." Mukhang normal ang lahat hanggang sa mapansin niya ang isang hidden folder sa bandang ibaba.
"Personal."
Sa loob nito ay may sub-folder na pinamagatang "Dad Investigation." Nanlamig ang mga kamay ni Celeste habang binubuksan ang bawat file. Bumungad sa kanya ang mga spreadsheets, offshore bank accounts, bribery records, at listahan ng mga politikong binabayaran ni Don Ricardo.
Ngunit may isang note sa itaas na bumasag sa kanyang puso:
"Building case against Don Ricardo Sullivan. Evidence collected over 8 months. Goal: Clean up Sullivan Corporation. Remove father from all positions. Make amends to victims. Restore company integrity."
Napatigil si Celeste. Ang lalaking akala niya ay kasabwat sa mga krimen ay siya palang lihim na nagpapabagsak sa sarili nitong ama. He was part of the solution, not the problem.
Nagpatuloy siya sa pag-scroll at nakita ang isang folder tungkol sa Hart Industries - Sullivan Merger. May nakalagay doon na Predatory Clause na sadyang inilihim ni Don Ricardo upang dahan-dahang lamunin ang kumpanya ng mga Hart. At sa ilalim nito, may panibagong note si Jace:
"Update: Have fallen for someone else. Secretary, Celeste Cruz. Need to find way to break Luna Hart engagement without destroying Hart Industries. Research legal options. Find loopholes. Protect both families."
Tumulo ang luha ni Celeste sa keyboard. Pinoprotektahan siya ni Jace—ang Luna Hart na hindi pa nito nakikilala—habang minamahal ang Celeste Cruz na kanyang kinakatawan.
Biglang tumunog ang elevator. Mabilis niyang isinara ang files, nag-log out, at lumabas ng opisina. Sakto ang kanyang paglabas nang bumukas ang elevator at lumabas si Jace kasama si Atty. Mendoza.
"Celeste? What were you doing?" tanong ni Jace, bahagyang nagulat.
"Nag-file po ng documents," mabilis na sagot ni Celeste, kinuha ang ilang folders sa kanyang desk bilang ebidensya. "Nilagay ko po sa filing cabinet sa opisina ninyo. Sana okay lang po?"
"Of course," sagot ni Jace bago pumasok sa loob.
Alas-otso ng gabi, nag-meet si Celeste at si Atty. Cruz sa isang tagong café. Haggard at stressed si Celeste habang ibinubuhos ang lahat ng kanyang natuklasan.
"Everything?" ulit ni Atty. Cruz. "Evidence against Don Ricardo?"
"Yes," sagot ni Celeste. "But Atty., it's Jace's files. Jace is building a case against his father. He's innocent. Completely innocent. He's even trying to find a legal way to break our engagement nang hindi sinisira ang Hart Industries."
Nagulat ang abogado. "So Jace Sullivan is on our side."
"Kailangan ko nang sabihin ang totoo sa kanya, Atty.," giit ni Celeste. "I need to tell him I'm Luna Hart. Na magkakampi kami."
""No," madiing sabi ni Atty. Cruz. "Not yet."
"Why not?" frustrated na tanong ni Celeste.
"Because we don't know how he'll react," sagot ni Atty. Suarez. "Yes, he's trying to do the right thing. But pag nalaman niyang you've been lying to him for a month—pag nalaman niyang the woman he's falling for is actually his arranged fiancée na he's trying to escape from—he might feel betrayed. Manipulated. He might push you away
"So itutuloy ko pa rin ang pagsisinungaling? Itutuloy ko pa rin ang pananakit sa kanya?" malungkot na tanong nito.
"Bigyan mo ako ng isang linggo, Luna," pakiusap ng abogado. "I'll coordinate with Don Felix. We need a solid strategy to protect both families before we come clean. One week."
Umiyak si Celeste. "I love him, Atty. I love him so much it hurts. At bawat araw na nagsisinungaling ako, parang unti-unti akong dinudurog sa loob."
One week.
Seven more days of lying.
Can she do it?
"Okay," sagot ni Celeste. "One week. But after that, I'm telling him. No matter what."
Tumango si Atty. Cruz. "Fair enough."
Dumating ang araw ng Huwebes at gaya nang mga nagdaang araw magkasamang nag-lunch sina Jace at Celeste sa isang maliit na café malapit sa opisina. Bakas ang excitement sa mukha ni Jace habang ibinibida ang kanyang progreso laban sa kanyang ama at ang loophole na nahanap niya sa merger contract.
"I have good news," sabi ni Jace na may excitement sa boses.
"What is it?" tanong ni Celeste.
"I'm making progress," sagot ni Jace. "Sa case against my father. Atty. Mendoza found a legal loophole. We can file for corporate malfeasance. Force him to resign. Remove him from the board. It'll take a few months, but it's possible."
"That's great," masayang sabi ni Celeste "I'm proud of you, Jace."
"And about the engagement," tuloy ni Jace. "I found something. A clause in the contract. If I can prove that the merger is based on fraudulent pretenses—which it is, because my father hid the predatory clauses from Don Felix Hart—then the contract is voidable. I can break the engagement legally. Without destroying Hart Industries."
Natigilan si Celeste. "You're really doing this? Breaking the engagement?"
"Yes," may determinasyong sagot ni Jace. "Because I want to be with you, Celeste. I want a future with you. Not with some stranger I've never met. Not with an arranged marriage based on lies."
Hinawakan niya ang kamay ni Celeste at marahang pinisil. Para itong nagpapahiwatig na kailangan niyang magtiwala rito.
"I love you," biglang sabi ni Jace. Ito ang unang pagkakataon na sinabi niya ito nang malakas. "I know it's fast. I know it's crazy. But I love you. And I want to build a life with you."
Parang gumuho ang mundo ni Celeste. Mahal niya si Jace, pero mahal nito ay isang balat-kayo lamang.
"I love you too," sagot ni Celeste, ramdam ang bigat ng bawat salita. "But Jace, what if may secrets ako? What if I'm not who you think I am? Would you still love me?"
Ngumiti si Jace nang mahinhin. "Everyone has a past, Celeste. What matters is the person I've fallen for now—kind, smart, real. Whatever your past is, it doesn't change that."
"Even if I lied to you?" bulong ni Celeste.
"Did you?" seryosong tanong ni Jace.
Sandaling napatigil si Celeste. Gusto na niyang isigaw ang katotohanan, pero naalala niya ang "isang linggo" ni Atty. Suarez.
"No," pagsisinungaling niya ulit. "Hypothetically lang."
Ngumiti si Jace. "Then hypothetically, I'd want to know the truth. But I'd try to understand. Kasi people lie for reasons. Usually to protect themselves or others. And if the person I love had a good reason, I'd listen. I'd try to forgive."
Would he?
Would he really forgive when he learns that she's Luna Hart? That she's been spying on him? That everything—their meeting, their relationship, everything is base on lies?
She wants to believe he would.
But deep down, she doubts it.
"Thank you," sabi niya na lang. "For understanding."
Hinalikan ni Jace ang kanyang kamay. "For you, always."
Bumalik sila sa opisina, pero ang isip ni Celeste ay tila isang bagyong hindi humuhupa. Isang linggo na lang. Pitong araw. At pagkatapos noon, kailangang mamatay ni Celeste Cruz upang mabuhay si Luna Hart.
One week.
Then the truth comes out.
At pag nangyari yun—everything will change.
Either mawawala si Jace sa buhay niya.
Or magiging totoo sila.
No more lies. No more pretending. No more Celeste Cruz.
Just Luna and Jace.
Real this time.
But can they survive the truth?
Can love survive betrayal?
Hindi niya alam.
Pero malalaman niya.
In one week.