Chapter 1

1164 Words
[ MANDY ] Humahagikhik pa kami ni Ashley nang umakyat kami sa second floor ng apartment housing kung saan ako umuupa. Medyo nakainom na kasi kaming dalawa. Paano, payday Friday at may katrabaho kaming nag-birthday, kaya nayaya kami sa isang resto bar. Yun nga lang siyempre as responsible nurses na may mga duty pa bukas ay kailangan din naming umuwi agad. Eh itong si Ashley ay doon pa sa Navotas uuwi, kaya dito ko na muna siya pinatuloy sa apartment ko kaysa naman mapahamak siya sa daan eh tipsy na nga siya. "Dapat hindi pa tayo umuwi eh! Ang KJ mo talaga, Mandy," reklamo niya habang umaakyat kami sa hagdan paakyat ng second floor kung nasaan ang unit ko. "Kaya naman nating pumasok bukas nang walang hangover, talent kaya natin yun since college..." "Sus, ang sabihin mo, nagpapa-cute ka lang dun kay Rom, akala mo ba hindi ko halata? Gusto mo pa ngang sumama doon, 'di ba?" Ngumisi siya ulit. "Hoy, grabe ka naman!" Nagtatawanan pa rin kami nang marating namin ni Ashley ang tapat ng room ko. Hinanap ko sa handbag ko ang susi ng apartment ko para makapasok na kami habang salita naman nang salita ngayon ang kasama ko. "Uy, andiyan pa ba 'yung umuupa diyan?" nguso niya bigla dun sa dulo ng corridor, kung nasaan ang isang pinto na patungo sa isa pang unit. Dito sa second floor kasi ay mayroon lang dalawang unit, iyong akin at iyang tinuturo niya. Sumimangot ako. "Siguro. Naririnig ko pa naman minsan na may ingay sa loob..." "Pero 'di ba sabi mo, hindi lumalabas ng unit niya 'yung nakaupa diyan?" usisa pa ni Ashley sa'kin na akala mo eh hindi pa namin ito napag-uusapan. "Monghe ba ang nandiyan? Di ba lalaki ang umuupa riyan?" "Well, oo. Hindi siya lumalabas kapag umaga. Sa gabi naman, hindi ko pa rin siya nakikitang lumabas mula diyan, pero definitely may tao talaga diyan. Alam ko dahil minsan naririnig ko ang ingay mula sa tv niya. At saka ang sabi ng may-ari nitong apartment eh hindi raw talaga mahilig lumabas ang nakatira riyan." "Ang weird niya, 'no? Ano ba siya, may nakakahawang sakit?" "Aba, malay. Wala naman akong paki. At saka sa pagkakaalam ko, may fire exit dun sa may dulo ng unit niya. Baka doon siya dumadaan kapag lumalabas siya." "You mean hindi mo pa talaga nakikita ang feslak ng mysterious neighbor mo, ever?" "Hindi pa..." pag-amin ko, kasi para sa akin hindi counted iyong minsang nakita ko siyang papasok ng unit niya dahil nakatakip ang mukha niya dahil sa suot niyang hoodie tapos naka-shades pa. "Mandy, try mo kayang bisitahin yan, kunwari magdala ka ng ulam. Malay mo mala-Adonis yan sa kagwapuhan, tapos magkagusto sa 'yo! Made-devirginized ka na 'pag nagkataon!" Hinampas ko agad ang balikat ng kasama ko dahil sa pagiging pasmado ng bibig niya. Pero kahit ganun, natawa pa rin ako sa biro niya. "Siraulo ka talagang babae ka. Itinutulad mo naman ako sa 'yo na may suki card na sa motel sa may Recto." "Hoy! Grabe ka, discount card yun! Iba yun sa suki card!" kontra niya at nagtawanan na naman kami. Nabuksan ko na ang pinto ng apartment ko at pumasok na kami sa loob. Agad sumalampak sa sofa ko si Ashley habang dumiretso naman ako sa cr upang maglinis ng katawan. Narinig kong binuksan ni Ashley ang tv ko kaya sinigawan ko siyang 'wag niya masyadong lakasan ang volume dahil gabi na nga. Nang makapagbihis na ako ng pantulog ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Binuksan ko ang phone ko at nag-scroll sa mga social media accounts ko. Pero mukhang wrong decision iyon dahil napangiwi ako nang mapansin kong may 14 unread messages ako galing sa isang taong sana ay mag-disappear na lang sa mundo. Rodney: Mandy... Rodney: I'm sorry. Can we talk? Rodney: Answer my calls please? Rodney: I want you back... Huminga ako nang malalim para mapigilan ko ang sarili kong mag-reply. Ang hirap lang talagang mang-ignore lalo na kung nasanay ka na sa taong sinusubukan mong huwag nang pansinin, pero so far ay nakakaya ko pa naman. Pagkatapos nun ay binitawan ko na ang phone ko at pumikit na. Mamatay na sana lahat ng mga manloloko, Lord, dasal ko habang pinipilit na iwaksi ang alaala ng lalaking yun sa sistema ko. Mabaog sana ang damuhong yun at magkaroon ng tulo! Nang maramdaman kong naiihi ako ay tinatamad akong tumayo papunta sa banyo. Siyempre napasulyap ako sa sala kung nasaan si Ashley, ngunit nagulat ako ng hindi ko siya makita roon. Bukas pa rin ang tv at wala rin naman siya sa banyo kaya nagtaka na ako. Tatawagan ko na rin sana siya kaso nakita ko ang phone niya na nasa sofa. Napilitan tuloy akong lumabas ng unit ko upang hanapin siya. Naisip ko baka lumabas yun upang bumili ng mangangatngat niya. Ganoon naman kasi ang babaeng yun. Kung hindi lalaki ang trip, madalas pagkain. Bababa na sana ako sa hagdanan ng may marinig ako. Tunog iyon ng pintong sumara at automatic na napalingon ako kung saan galing 'yung tunog na yun. Na-shock ako nang makitang pinto iyon ng unit ng kapitbahay ko! At ngayon, ay nasa tapat nito ang posibleng tenant doon! Napanganga ako dahil hindi ko inaasahan na ganito ang itsura niya. Akala ko kasi matanda, o may ketong, o chaka ang nakatira riyan dahil hindi nga siya lumalabas ng unit niya 'di ba? Inisip ko baka super duper mega ultra chaka ang itsura niya kaya hindi siya nagpapakita sa iba... Pero my gulay, anak ng tokneneng na violet ang coating, bakit ang gwapo niya? At bakit ang hot niya? Mahirap i-describe, pero siguro kung pinagsama-sama mo lahat ng gwapong Chris sa Hollywood, malamang siya ang magiging kinalabasan nun. Chris Evans, Chris Pine, Chris Pratt, name it! Isama niyo na rin si Chris Tiu dahil medyo singkit siya ng very, very light! Pero my God kung may Pinoy Hollywood actor na oozing with hotness and yummy-ness, si Kuya Neighbor na siguro yun! Natutuyuan na nga ako ng laway sa kakatitig pa lang sa kanya eh, at buti na lang naglakad na siya palapit sa'kin dahilan para bumalik ako sa katinuan ko. Ngumiti siya nang nasa harapan ko na siya. Syet, 'yung ngiti niya parang ang sarap isahog sa pinakbet. "Ikaw 'yung kapitbahay ko, right?" tanong niya at kahit boses niya ay pang-heaven talaga. Secretly inisip ko na baka tama nga si Ashley, baka ma-devirginize ako rito ng wala sa oras! "H-Ha? Ah...eh...oo..." parang kambing na sagot ko sa kanya. Tumango siya na parang nakangiti ng may pagkapilyo. "Narinig ko kayo kanina ng kasama mo..." aniya. Hindi ko naman alam na may pagkatsimoso pala ang gwapong nilalang na ito. "You came from a night out, right?" "Ah... Oo..." Ngumiti ulit siya at napapaisip na ako kung modelo ba ito ng toothpaste o mouthwash. "You seem to be an exciting woman. At kung tama ang dinig ko, is it true na virgin ka pa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD