CHAPTER 2

1493 Words
[ MANDY ] Napaletrang 'O' ang bibig ko na nakanganga dun sa sinabi niya. What the ef? Narinig niya 'yung jok ni Ashley sa'kin kanina? Hindi na tuloy ako nakasagot dun sa nakakalokang tanong niya. Siguro kung nakikita ko lang ang mukha ko ngayon, malamang para na akong kamatis sa sobrang pula! Masasakal ko talaga 'yung si Ashley na yun! "So virgin ka pa nga," sabi niya. At ang nakakainis dun, naka-smirk siya sa'kin na as if gusto niyang ipalabas na nakakatawa yun. Kaya imbes na ma-attract pa ako sa kanya, bigla akong nabastusan sa kanya. Kaya wala ng warning pa, agad lumapat sa pisngi niya ang malutong na sampal ko. "Bastos ka! Eh ano naman sa 'yo kung virgin ako o hindi? Pakialam mo! Saka hoy, aware ka ba na may Anti-Bastos Law na? Gusto mo masampolan? This is harrassment, don't you know?" gigil kong sabi. Humakbang na ako pababa ng hagdan para umalis ngunit hinawakan niya ako sa isang braso ko kaya napahinto ako. "Bitawan mo 'ko! Ang creepy mo na ah! Sisigaw ako!" "Kalma, hindi kita sasaktan," sagot niya agad. "Gusto lang kitang tulungan." Nag-unahan sa pagtaasan ang mga kilay ko. "Tulungan saan?" "Sa status mo," sagot niyang kumindat pa, na nagbigay naman sa'kin nang kakaibang sensation. Oh my God. Ano 'to? Ayoko nito! Jusko Lord, ilayo niyo po ako sa tukso! "Come to my room. Tulungan kita sa problema mo. Mukhang willing ka naman eh. Let's do it." Seryoso niyang sinabi yun kaya alam kong iba na 'to, hindi na lang 'to random. Paulit-ulit na umalingawngaw sa tenga ko ang sinabi niya. Let's do it. Let's do it. Let's do it. Pero kahit nakakaakit 'yung way ng pagsabi niya nun, siyempre hindi naman ako tanga para pumatol din sa kanya. "Bastos ka talaga! Asshole!" Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko sabay taas ng middle finger ko sa kanya with matching palaban/deadly glare. Nagulat siya dun kaya hindi niya in-anticipate 'yung sunod na ginawa ko. Yung middle finger ko na ipinakita ko sa kanya ay mabilis pa sa alas otsong itinusok ko sa mata niya kaya naman napasigaw siya. Tapos tumakbo na ako pababa ng hagdan na tumatawa. "Buti nga sa 'yo! Manyak! Haliparot! Hot ka sana kaso baboy ka! Antay ka lang diyan! Tatawag talaga ako sa baranggay!" *** Thankfully, hindi na kami masyadong nagkita ng lalaking yun pagkatapos nun. Siguro natuto na siyang piliin ang mga babaeng babastusin niya, o di kaya ay baka nasa hospital na siya ngayon at naka-confine dahil sa ginawa ko sa mga mata dahil baka nabulag ko na talaga siya. After all, para akong ninja nang ginawa ko yun sa kanya, which he deserved naman talaga. Ni hindi nga ako na-guilty kahit na naisip kong baka nabulag siya. Aba, sa ugali niyang yun? I'm sure marami na siyang nabiktima at malamang pasasalamatan pa ako ng mga yun kapag nalaman nilang na-injure ko ang hinayupak na yun. Ano ba siya, asong kalye na nagyayaya ng chukchakan out of the blue? Iba siya ha? He may be hot pero wala siyang class. Narinig niya lang 'yung biruan namin ni Ashley, pinatulan na niya. Ganun ba siya katigang? Ganun siya ka-uncivilized? Pero kung sa bagay, ikaw ba naman ang halos hindi na lumabas ng lungga mo, siguro nga matagal na siyang walang s*x life. Ang mali niya lang ay ako ang pinagtripan niya, kadiri siya. Pasalamat siya, hindi ko na itinuloy ang reklamo ko sa baranggay. Sa landlord namin kasi muna ako nag-report, at nangako naman ang landlord namin na may gagawin itong aksyon. Kaya ayun, kinabukasan, pinuntahan ako ng mokong kasama ang landlord namin para humingi ng tawad. Nangako itong hindi na mauulit at ang palusot niya, nakainom daw ito kagabi kaya ganoon ang naging asal niya. Pero kahit na lasing siya, hindi pa rin iyon excuse parea mambastos siya, lao na sa kapitbahay niya pa. Tinakot niya rin kasi ako. Feeling ko tuloy hindi na safe rito sa apartment namin. Kaya nakatikim talaga sa akin ng banta ang pesteng yon. Sinabi ko talaga na isang beses pang maulit yon at maghihimas na talaga siya ng rehas sa kulungan. "Uy, Mandy Moreno! Sleepover tayo sa apartment mo!" yaya na naman ni Ashley nang matapos ang duty namin sa REU Hospital kung saan kami nagtratrabaho. "Ayoko. Napapahamak ako kapag andun ka eh!" sagot ko naman. "Ano'ng pinagsasabi mo diyan?" tawa niya naman dahil hindi ko naman kinuwento sa kanya ang nangyari dun nang bigla siyang nawala sa apartment unit ko. Na yun pala, lumabas siya para bumili ng goto sa tapsilogan at gotohan na malapit sa'min. "Wala. Gusto kong matulog nang maaga kasi. Next time na lang." "Ang damot nito," sagot niya pero nakangisi naman. Nakatingin kasi ito sa phone niya. "Sabagay, may nagyayaya pala sa'kin ngayon na mag-bar, dun na nga lang ako pupunta. Nangangati na rin ang matres ko eh." "Ashley naman! Ang balahura mo talaga!" "At least hindi ako natetengga!" sagot niya namang parang normal lang 'yung ginagawa niyang kaharutan sa buhay. Pero sanay na rin talaga ako rito kay Ashley kaya hindi na ako naieskandalo sa mga lumalabas sa bibig niya. "At saka single naman ako, kaya walang masamang makipag-date ako 'di ba? Try mo rin kaya! Magtwo-two months ka na ring single, o! Don't tell me mahal mo pa 'yung Rodney na yun? Lakas ah!" "Hoy! Hindi ganun yun!" "Eh di patunayan mo! Sumama ka sa'kin! Let's walwal and get wasted!" "Alam mo minsan hindi ko alam kung tama bang nag-nurse ka, Ashley. Dapat yata naging party girl ka na lang forevs." Tumawa na lang na naman nang bongga ang hitad bago kami maghiwalay sa labas ng REU Hospital. Naglakad na ako patungo sa katabing karendirya upang bumili ng lutong ulam para hindi na ako magluto sa apartment ko. Pagkatawid ko may nakita akong isang pamilyar na lalaki na naglalakad papunta sa akin. Mukhang galing siya mula sa direksyon ng apartment ko kaya nakasigurado na akong siya yun. Yung lalaking hot pero bastos! Yung lalaking ang itsura'y pak na pak pero manyak! Umiling ako sa sarili ko dahil sa panghihinayang sa lalaking yun, na lumiko na sa isang eskinita. Bumili na ako ng ulam. Nang matapos ako ay naglakad na ako sa gilid ng kalsada pauwi ng St. Thaddeus (pangalan ng apartment namin) na araw-araw ko namang ginagawa. Yun nga lang nawindang ang buong pagkatao ko ng may magsalita sa tabi ko. "Okay ka lang?" Natigilan ako dahil 'yung kapitbahay ko ang nagsasalita. Si bastos! Ano'ng ginagawa ng isang 'to rito? Sinusundan ba ako nito? At aba, nakakakita pa rin pala siya! Hindi pa nabulag ang ungas! "Ha?" "Ang sabi ko, okay ka lang?" tanong niya pa na parang matagal na kaming magkaibigan. Ang weird, umaakto siyang parang hindi siya nagkukulong buong magdamag sa unit niya. "Uhm...oo naman. Bakit mo ba tinatanong?" pagtataray ko sa kanya. Gusto ko na sanang mag-panic at magsisigaw kaso naisip ko andami pa namang tao sa paligid at baka isipin pa nila ang OA ko lang. Isa pa wala pa naman siyang ginagawa sa'kin. "Kasi naisip ko ang sakit sigurong bumagsak galing sa langit. Mukha ka kasing galing dun," aniya sabay kindat. Ako 'yung tipo ng babae na hindi madaling madala ng mga ganitong klaseng bola pero naapektuhan yata ako dito sa pinagsasabi niya kaya sinakyan ko na lang siya. "Sorry ha," sarkastikong sagot ko. "Nagkakamali ka. Hindi ako galing sa langit. Actually hinukay ko ang daan ko mula impyerno hanggang dito sa ibabaw ng lupa. Kaya tigil-tigilan mo ako damuho ka." Nakita kong medyo nagulat na naman siya sa pagmamatapang ko pero agad din siyang nakabawi. Ngumisi siya sabay tango. "Ah, galing ka pala dun? Kaya pala ang hot mo." "Minsan nagtra-transform din ako," sabi ko. "Nagiging mamamatay tao rin ako." Dagdag ko pa sabay bunot sa loob ng handbag ko ng isang maliit na cutter, na actually ginagamit ko sa ospital kapag wala akong makitang gunting. "Gusto mo ba sampolan kita?" Napatawa siya dun. "I was joking. Ang tapang mo naman. Nurse ka, hindi pulis." "Kung may mga taong gaya mo, kailangan ko talagang mag-beastmode." "Wala naman akong masamang balak sa 'yo. Masarap na balak, pwede pa." "Aba, gago 'to ah! Umayos ka ha! Matuto kang gumalang sa mga babae! 2021 na uy! Hindi na dapat tino-tolerate 'yang pinagsasabi mo!" "Chill! Biro lang yun---!" "Biro pala ha? Eh kung biruin kita gamit itong cutter ko?" inis nang sambit ko at iwinasiwas ko yun sa harap niya. Umiilag siya pero gusto niya rin akong lapitan for some reason, kaya hindi ako tumigil sa paninindak sa kanya. Pinipilit niya namang hawakan ang kamay kong may hawak naman sa cutter para mapatigil ako ngunit ninja nga ako. Sinipa ko ang tuhod niya kaya napahawak na siya sa akin for support, at dun ko siya nasugatan gamit ang cutter ko. Nasugatan ko ang kamay niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD