CHAPTER 3

1178 Words
[ MANDY ] Nataranta na ako. Sa sobrang takot na baka gantihan niya ako ay nagtatakbo na ako pauwi ng St. Thaddeus. Naisip ko pa ngang tumawag sa mga magulang ko upang humingi ng tulong kaso naalala kong nasa probinsiya nga pala sila kaya hindi ko na ginawa yun. Mabilis akong pumanhik ng apartment hanggang sa makapasok ako sa unit ko na malakas ang kabog ng dibdib ko. Pagkapasok ko agad kong ni-lock ang main door at sinigurong hindi iyon basta-basta mabubuksan. Nagtungo ako sa kusina at uminom nang malamig na tubig. Grabe ang araw na ito! Okay lang namang may hot na lalaking lumandi sa'kin actually dahil ang tagal ko rin naman talagang single, pero sana naman 'yung hindi manyak ang lumandi sa'kin! At mukhang hindi ako tatantanan ng lalaking yun ah! Parang desidido yata siyang manyakin ako! Nakakakilabot! Parang gusto ko nang lumipat ng matitirhan! Hindi tuloy ako nakatulog sa kakaisip. Kung ano-anong mga scenario ang na-imagine ko. At lahat sila iisa lang ang tema--- ang gahasain ako nung neighbor kong manyak. Sa isang version giniba niya raw ang pinto ng unit ko at kung ano-anong kalaswaan ang ginawa niya sa akin sa kwarto ko, samantalang sa isang version naman ay sa may fire exit daw niya ako minanyak. Nakakalurky. Gusto ko na rin naman talagang tumawag na ng pulis pero naisip ko baka kasuhan niya rin ako ng attempted murder dahil sa pagsugat ko sa kanya. Nakakapraning na talaga kaya naman nung umaga halos hindi na ako bumangon sa sobrang antok, ang kaso may kailangan akong puntahan kaya naligo na rin ako. Sa salamin sa cr binulaga ako ng mga eyebags ko. Pagkalabas ko ng unit ko nung bandang 7 am, tatakbo sana ako pababa ng hagdan just in case inaabangan na pala ako ng manyak na yun, pero nasa may pinto pa lang ako ay may naamoy na akong kakaiba. Amoy sunog na sinaing. At dun sa unit ng manyak na yun nanggagaling. Teka, naiwanan niya ba ang sinaing niya? Umalis ba siya? Wala ba siyang rice cooker? Poorito ba siya? Gusto ko sanang isnabin na lang yun tutal kanin niya naman yun kaso napaisip din ako. What if wala siya diyan sa loob at naiwanan niya nga ang sinaing niya? What if sumabog ang gas stove niya at masunog ang unit niya tapos madamay naman ang unit ko? My God ayokong mawalan ng mga gamit! Ang ginawa ko, kumatok ako sa pinto niya para pagsabihan siya tungkol sa nangangamoy niyang sinaing. Naka-ready na ang phone ko in case may gawin siya sa akin, para kung manyakin niya ulit ako ay ida-dial ko na lang ang hotline ng police station dito. Yun nga lang walang sumasagot kaya pinihit ko ang door knob nito at laking gulat ko nang bumukas ito. Sumilip ako sa loob. Madilim doon na akala mo naputulan siya ng ilaw. "Hello? May tao ba diyan? Hoy manyak na lalaking malibog 'yung sinaing mo amoy uling na!" Wala pa ring sumagot. Kaya pumasok na talaga ako sa loob. Hinanap ko ang kusina niya, na mahirap gawin dahil ang dilim ng unit niya, lahat ng bintana may mga itim na kurtinang nakatakip doon. Sa wakas nakita ko rin ang kusina niya. May nakasalang na kaldero nga doon, at nakita kong malakas ang apoy nun kaya dali-dali kong pinatay iyon. "Jusko naman ang taong yun may balak pa yata siyang sunugin itong buong St. Thaddeus!" reklamo ko at hinanap ko ang switch ng ilaw. May nakita naman ako sa may pinto ng cr kaya nagliwanag na rin sa wakas. Pero kasabay nang pagliwanag ng buong unit ay ang paglabas ng isang hubad na lalaki sa cr. Medyo napatakip pa siya ng mukha niya dahil nasilaw yata siya doon sa ilaw, pero napansin niya rin agad na nasa harapan niya rin ako na nakanganga dahil sa nakikita ko. Saan ba yun 'yung lugar na may talong festival? Aba dapat yata sumali siya dun! Charot! Ngumisi sa'kin nang nakakaloko ang ungas. "Do you like it?" obvious na tanong niya habang nakatingin sa katawan niyang naghuhumindig sa, well, sa ano. "Bastos ka talaga!" sigaw ko na lang. "Bastos pa rin ako eh ikaw itong pumasok rito?" "Ang point ko, dapat hindi mo ako tinatanong kung gusto ko yan o ano, siraulo!" Lumapit siya kaya umatras din ako. "Wag na tayong magbangayan, Mandy. I've waited for you, that's why I took a bath. Come here. I need you right now. Let me own you." "Wag kang lalapit!" "I don't need to force you, you know," halos bulong niya naman sa akin. "I can make you do things for me, honey. Come now. I really, badly, need your body," aniya at napansin ko na parang may kuminang sa mga mata niya tapos bigla akong nakaramdam nang kakaibang init sa aking katawan. Ano ang nangyayari sa akin? "That's it. Feel it, Mandy. I know you want it," bulong niya pa na halatang nang-aakit, at ewan ko ba at parang gusto kong patulan ang pang-aakit niya. "That's right. Come and join me," aniya at akmang hahalikan na niya ako nang bigla akong matauhan. Malakas ko siyang itinulak tapos kumaripas ako ng takbo palabas ng unit niya. Mali. Maling-mali ang desisyon kong pumasok sa unit ng manyak na yun. May something talaga sa kanya na hindi ko maintindihan. Hindi ko ma-explain pero pakiramdam ko ginagayuma niya ako. Nakarating ako sa unit ko hingal na hingal. Grabe. Pawis na pawis na rin ako dahil sa nangyari. Hay, Mandy. Bakit ka kasi nagpunta doon in the first place? Pwede namang ang landlord mo na lang ang sinabihan mo tungkol sa amoy sunog na sinaing! Nang mahimasmasan ako mula sa nangyari, nagbihis ako nang matino upang umalis muna at nang makapag-isip ako kung ano ang dapat kong gawin. Balak kong magsabi kay Ashley sa nangyari. Alam kong alam non ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon. Kaya nong ready na ako, lumabas ako ng unit ko at pababa na ako ng hagdan ko nag makarinig ako ng mga boses mula sa hagdan mismo. May mga tao na paakyat sa second floor at naririnig ko ang usapan nila. "Mamaya pa ang shift niya kaya andiyan pa yan sa loob si Mandy," sabi ng boses ni Rodney, ang ex kong manloloko. "Mabuti, at nang makausap ko na rin ang batang yun. Ako ang bahala anak, don't worry. Tutulungan kitang humingi ng tawad sa kanya. Bago ako bumalik ng Dubai ay magkakabalikan na kayo." "Sana nga, Mama," sagot naman ni Rodney at kumulo ang dugo ko nang bongga doon. Aba, kay lakas naman ng loob niya! Dinamay niya pa ang nanay niya sa kalokohan niya! Ayoko silang makita ngayon. Ayoko silang makausap. Ayokong makaharap ang nanay ni Rodney, dahil alam kong lalambot lang ang puso ko kapag kinausap na ako ng nanay niya at ayokong mangyari yun. Kaya ang ginawa ko, dumiretso ako sa unit ng manyak kong kapitbahay at walang pasabi akong pumasok. Naabutan ko siyang nagbibihis sa sala niya, at nakasuot lang siya ng boxers. Bigla akong nagutom. Parang gusto ko mag-almusal ng pandesal at tortang talong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD