Chapter 7

2410 Words
[MANDY] Gusto kong sumigaw dahil sa nangyayari, pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang itulak, pero hindi ko rin magawa! Hinahalikan niya ako pero ang nakakagulat doon ay gumaganti ako ng halik! Akala ko nga ay ginagahasa na niya talaga ako, pero napatingin ako sa kisame at nakita ko na parang may kakaibang nangyayari. Bukod kasi sa parang nasa ibang lugar kami, may kung anong mgaumiilaw-ilaw sa paligid namin habang naghahalikan kami! Aakalin mong nasa Wonderland ka! Bigla namang napahinto sa ginagawa niya sa akin si Dark, at tumingin sa mga mata ko. Ang hot niya talaga, peste. Kahit sinong babae alam kong bibigay talaga sa kanya. Pero kasi, mahirap magsisi sa huli. Kailangan kong makawala mula sa kanya. "D-Dark... Please... Itigil na natin 'to..." "Why?" aniya. "This is just a dream. Look around you. We are not at home right now. Nasa torre tayo." "Torre?" "Yes, torre. Tower. It's a place that I can visit in my dreams," simpleng sagot niya. "Huh? Pero bakit nandito ako?" tanong ko dahil wala namang sense ang mga sinasabi niya. "I don't know. But maybe because you were in my home and it made you go here too with me." Gusto ko sanang matawa dahil seryosong-seryoso pa ang mukha niya habang sinasabi niya sa akin yun, pero pinigilan ko na ang sarili ko dahil may napansin ako. Parang nag-iiba na ang kulay ng mga mata niya. "Dark? Anong nangyayari sa 'yo?" "Don't mind that. This is just a dream, remember?" "Talaga bang panaginip lang 'to?" di pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Bakit gano'n? Parang totoong-totoo?" "Lahat naman ng panaginip parang totoo, Mandy. Kaya lang naman nagiging hindi totoo kasi nagigising tayo." "Ah... Oo nga naman..." sambit kong parang shunga. Pero bakit naman biglang may hugot ang lalaking 'to? Pinagmasdan ko rin siya. Nakatitig siya ngayon sa mga labi ko. Parang natatakam pa nga siya eh. "Oy, Dark... Wag mong sabihing lalaplapin mo na naman ako?" Napangisi siya sa sinabi ko. "And so what if I do that? Panaginip lang naman 'to eh. Look around you, Mandy. Everything in here is not real." Sinunod ko nga siya. At tama naman siya. Hindi talaga ito ang realidad. Imagine, nasa parang bahay na bato kami na shining, shimmering, splendid? Tapos parang may mga alitaptap pa sa taas namin. Magical talaga ang feel ng lugar na ito kaya imposibleng totoo ito. "See? This is not real. This is just a dream. Avery beautiful dream, if I must say." "Ah... okay..." sabi ko na lang dahil naiilang pa rin ako na nakatitig pa rin siya sa mga labi ko ngayon. "Yes, Mandy. Let's just make love right now. You don't have to worry about anything." Pagkatapos niyang sabihin yun, hinalikan na niya ako ulit. At hindi lang iyon basta-bastang halik, kung 'di ay isang passionate kiss. Napapikit tuloy ako at inaamin ko naman na na-turn on na rin ako. Expert siya sa ginagawa niya kaya naman nadala na rin ako. Hanggang sa nangyari na ang hindi ko aakalaing mangyayari. Hubad na siya sa taas ko at nakita ko pa ang p*********i niya. Tama nga ako. Malaki nga siya. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil paano yun magkakasya sa akin? "Don't worry, I'll be do my best do make it as painless as possible..." bulong niya pa sa tenga ko. Naramdaman niya yatang may pag-aalangan pa rin sa akin, kaya hinalikan niya na naman ako pero this time, hindi na lang sa mga labio ko. Pati na rin sa leeg, sa tenga, sa dibdib, at pababa siya nang pababa hanggang sa makarating siya sa totoong pakay niya. Napasinghap ako doon. Libo-libong boltahje ng kuryente ang tila dumaloy sa buong katawan ko habang ginagawa niya yun doon. Napaimpit pa ako ng sigaw, pero sige pa rin sa ginagawa niya si Dark. Pataas nang pataas ang build-up sa nararamdaman ko na nagiging dahilan kung bakit parang hindi na ako makapaghintay pa.  At sa wakas, ipinasok na niya ang p*********i niya. At hindi pa man ito nangangalahati sa loob ko ay napasigaw na ako sa sakit, at napadilat ako kaso mabilis si Dark. Agad niyang natakpan ang mga mata ko gamit ang isang palad niya. "Dark---" "Shh..." mahinang saway niya sa'kin. "Just close your eyes, okay?" "O-Okay..." sagot ko na lang kahit na parang gusto ko nang umiyak sa sakit. Sobrang laki niya kasi. Por dios por santo, ano ba 'tong lalaking 'to? Porn star? Bakit naman ang laki ng kanya? May dugo ba siyang foreigner? Napasigaw na naman ako dahil gumalaw ulit siya. This time, ipinasok na niya ang kanya nang buo, kaya napasabunot ako sa buhok niya dahil sa tindi ng kirot doon. Pakiramdam ko punong-puno ako. Tapos agad ding nawala 'yung kirot nang hugutin niya bigla ang kahandaan niya, na lalo namang nagpabaliw sa'kin. Gusto ko kasing sumigaw na ipasok niya yun ulit, kaso tinamaan naman ako bigla ng hiya.  Susmaryosep Mandy ngayon ka pa nahiya, gaga ka! "Finally..." dinig kong saad niya na may tunog ng tagumpay. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil nga nakapikit ako pero pakiramdam ko nakangiti siya ngayon. "Now, this will hurt a lot, babe. Please bear it." Na-excite na naman ako doon sa sinabi niya. Kahit naman masakit kapag pinapasok niya may naramdaman din naman akong satisfaction doon. Mayroong pleasure. Mayroong kiliti. Kaso iba pala ang susunod na gagawin ng kaulayaw ko ngayon. Hindi ko alam kung ano 'yung ginawa niya exactly, basta ang alam ko parang may bumaong matutulis na something sa may balikat ko, malapit sa may leeg ko. Napasigaw na talaga ako nang pagkalakas-lakas dahil sa ginawa niya. Dumilat ako pero nakatakip na naman agad ang isang kamay niya, kaya wala akong makita. Pero ramdam ko ang mukha niya doon sa leeg ko, kaya napaisip ako agad. What the ef? Kinagat niya ba ako? Ano siya, bampira? "Sorry, honey. I needed your virgin blood," bulong niya ulit sa tenga ko bago niya gawin ang isang bagay na sa pagkakaalam ko ay sa mga pelikula lang nangyayari. Sinipsip niya ang sugat na ginawa niya sa may leeg ko! Sinisipsip niya ang dugo ko! Nag-panic na ako. Syet, kung hindi siya isang bampira, malamang isa siyang miyembro ng isang Satanistang kulto! Jusko!  Ano itong pinasok ko? Ay wait, ako pala 'yung pinasok. Pero juskolerd, ayoko pang mamatay! Sinubukan ko siyang itulak. Ngunit hindi ko na naman magawa. Lalo pa't naramdaman ko na lang na nakabaon na ulit bigla 'yung p*********i niya sa loob ko kaya napaigtad ulit ako. Napapasigaw na ako. Hindi ko nga alam kung dahil ba yun sa takot o sa sarap, basta nagsisigaw ako. Nagpatuloy lang siya sa pagsipsip sa dugo ko sa may leeg ko habang gumagalaw naman siya kaya para akong na-lock sa posisyon naming dalawa. Hindi na ako makakilos. I admit, ang sarap nang ginagawa niya. Napapa-ah ako ng wala sa oras. At oo, nakakaloka mang isiping iniinom niya ang dugo ko ngayon pero hindi rin ako makaramdam ng sakit mula roon. Mukhang kumirot lang yun sa una nang kinagat niya ako. Pero sa kabila ng sarap at satisfaction na ibinibigay sa akin ng lalaking ito, alam kong may mali. Sa isang sulok ng utak ko, ay may nagsasabing nasa panganib na ako. What if isa pa lang psycopath ang lalaking ito? Baka mamaya pagkatapos niyang pagsawaan ang katawan ko ay bigla niya na lang akong chop-chopin at ilagay sa sako? Wala naman kasing matinong lalaki ang gagawa nang ginagawa niya. Unless siya si Edward Cullen, Philippine version? Kaya nag-focus ako. Nag-focus ako na makalayo sa kanya. Hindi ko siya maitulak dahil sa lakas at bigat niya, kaya nag-isip ako nang mabuti. Naalala ko 'yung kamay niya na nasugatan ko at yun ang pinuntirya ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya, na kunwari hinahaplos ko, at lihim akong natuwa nang matuklasan kong 'yung kamay na pinantakip niya sa mga mata ko until this point ay ang kamay niyang may Band-Aid. Nang masiguro kong hindi siya naghihinala sa gagawin ko ay nagbilang na ako sa utak ko. One, two, three! "ARGH!" Ang lakas ng sigaw niya nang tusukin ko ng mga kuko ko 'yung sugat niya. Sa sobrang lakas nga nang pagkakatusok ko doon sa sugat niya ay may dugo pang tumulo mula doon na dumaloy patungo sa mukha ko, since nasa ilalim niya nga ako. Mabilis ang mga sunod na pangyayari. Nang ma-distract siya sa sakit nang ginawa ko sa kanya ay dun ko na inipon ang lakas ko at sinipa siya sa tiyan niya. Gusto ko nga sana doon ko siya sisipain sa talong niya kaso naawa naman ako dun bigla. Kawawa naman kasi, isip-isip ko. Ang sarap pa naman. Teka, ano'ng pinagsasabi mo, Mandy? Mauubusan ka na ng dugo, mahalay pa rin ang utak mo? Bumagsak si Dark sa sahig na gawa sa kahoy at ako naman, pinunasan ko muna ang mukha ko mula sa dugo niya na tumulo sa pisngi ko. Yun nga lang ang shunga ko lang magpunas dahil merong napunta sa bibig ko at nalasahan ko tuloy ang dugo niya. Nalunok ko pa nga 'yung konti dun eh. Teka, nahawaan niya ba ako? Naging bloodsucker na rin ako, teh? Tiningnan ko si Dark sa kinabagsakan niya, at nakita ko siyang nakadapa doon na hawak-hawak ang duguan niyang kamay. Pero namutla rin ako nang mapansin ang isang detail sa kanyang kamay. Nakita kong matutulis ang mga kuko niya, na parang sa hayop! OMG, ibig sabihin ba nito isa nga siyang bampira? Paano nangyari yun? Nasa loob ba ako ng isang libro? Bella ba ang totoo kong pangalan at pinalitan lang ng mga magulang ko? Dapat na ba akong mag-migrate sa Amerika nito? Nang makita kong gumagalaw na ulit si Edward ay este Dark ay nag-panic na naman ako. Dali-dali akong humablot ng kumot sa kama niya at agad akong sumugod sa likuran niya. Ipinulupot ko agad sa leeg niya ang kumot dahil ang intention ko dun ay ang sakalin siya. "Ano'ng ginagawa mo?" sigaw niya agad sa'kin. "Sinasakal kita!" sagot kong nagtatapang-tapangan naman. "Ano pa ba?" At agad kong hinigpitan ang pagsakal ko sa kanya gamit ang kumot niya, kaya napahawak din siya sa leeg niya. "Itigil mo na 'to..." sabi niya naman sa'kin na parang naiinis na. Yun nga lang ang hot niya pa rin kahit na naaasar na siya. "Kaya kong punitin itong kumot na ito kung gugustuhin ko. Nakita mo naman sigurong hindi ako normal na tao..." "Bakit? Ano ka ba? Bampira ka ba? Kumikinang ka rin ba kapag natatamaan ka ng sikat ng araw, kaya hindi ka lumalabas rito sa lungga mo?" Nagulat ako nang napahalakhak siya dun. "Fan ka ba ng librong yun? How disappointing." "Disappointing? Eh talaga namang parang bampira ka! Sinipsip mo kaya ang dugo ko! Alangan namang isa kang dambuhalang lamok?" "Walang mga bampira sa Pilipinas," aniya. "Eh 'di wow," sabi ko sabay higpit na naman sa pagkakasakal ko sa kanya. "So ano ka? Satanista? Psychopath? Linta?" "Bitawan mo na ako, Mandy. Habang mabait pa ako sa 'yo." Alam kong warning niya na yun. Sa pamamaraan pa lang ng pagkasabi niya nun, talagang may laman. Pero nagdesisyon na akong lumaban sa kanya. Aba, pagkatapos ng nangyari sa amin? Pagkatapos niyang higupin ang dugo ko mula sa leeg ko? "Ayaw mo ha?" bigla niyang sabi at nagulat ako nang sa isang iglap ay napunit niya ang kumot sa maraming piraso. What the pak? Paano niya nagawa yun? Demonyo ba siya? Tapos bigla niya akong itinulak ulit sa kama, kaya napahiga ako ulit dun. Tapos agad siyang dumagan at nakangising tumingin sa akin. "Tsk. Tsk. Sayang. Hindi ko pa sana gagawin ito sa 'yo, since I was enjoying what I was doing with you. Kaso palaban ka eh..." "B-Bakit? Ano ba ang gagawin mo?" kinakabahang tanong ko. "Hahalikan kita," simpleng sagot niya. "Yun lang?" "With tongue." Gusto ko sanang matawa doon. "Alam mo ang funny mo. Pakawalan mo na lang kaya ako. Promise, hindi ko naman ipagkakalat itong nangyari sa pagitan natin. Believe me. Ayoko ring malaman ng iba 'to, no?" "Sorry, honey, pero hindi ka pwedeng lumabas ng kwartong ito na dala-dala ang sekretong meron ako. I need you to forget about it..." "Oo nga sabi, 'di ba?" halos singhal ko sa kanya, habang iniisip ko na nakapatong pa rin siya sa akin. Ang awkward lang na nag-uusap kami habang 'yung talong niya eh andun at nakasundot sa tiyan ko. "Kakalimutan ko lahat ng nangyari rito! Lilipat pa ako ng apartment, kung yun ang gusto mo!" Umiling naman siya. "Hindi yun ang gusto kong mangyari." "Eh ano?" "Ito," sabi niya sabay halik sa'kin. Actually parang hindi na lang halik 'yung ginagawa niya eh. Halos lamunin na niya 'yung bibig ko. At pinanindigan niya talaga 'yung sinabi niya kanina ha? Talagang with tongue! Kaloka! Ewan ko ba kung bakit hindi ako nagprotesta habang hinahalikan niya ako. Siguro kasi nakakadala naman talaga 'yung paghalik niya. Expert na expert na ang loko eh. At nang humiwalay siya sa pagkakahalik sa'kin, nakita kong parang kumislap na naman ang mga mata niya, na agad din namang nawala. Ngumiti siya sa'kin pero hindi pa rin siya kumikilos para umalis sa ibabaw ko. "That's it. Ngayon, clueless ka na sa totoong nangyari. All you will remember is that we made love, right babe? Although it was good, babe. I really enjoyed it." Napamaang ako sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Kahit masarap kang humalik, hindi nun mabubura 'yung ginawa mo kanina! Sinipsip mo kaya ang dugo ko! Ano ka, cannibalism ang peg? Sinugatan mo pa ang leeg ko! Buti na lang hindi malalim ang sugat ko!" bulalas ko sa kanya, para maging light naman 'yung usapan namin. Mukha naman kasing hindi siya isang serial killer, kaya parang nakahinga rin ako nang maluwag. Naisip ko rin baka may fetish siya sa dugo? Pero imbes na ngumiti siya o matawa sa sinabi ko, ay namutla pa siya bigla. Bakas sa mga mata niya ang shock at pagkalito. "Teka, naaalala mo pa rin yun? Pero hinalikan na kita ah!" "Eh ano naman kung hinalikan mo na ako? Ano'ng konek? Buang ka ba?" Pero hindi niya ako pinansin. Parang sarili niya na lang ang kausap niya. "s**t. s**t. Hindi pwede. Nakainom ka ba ng dugo ko?" malakas na tanong niya. "Ha?" "NAKAINOM KA NGA NG DUGO KO?" "Ah eh...slight?" sagot kong natakot na naman. "Bakit ba? Eh ikaw nga humigop pa ng sa'kin eh! Ano'ng masama dun?" "Masama?" singhal niya. "By drinking my blood, you became my lover! Yun ang masama!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD