Chapter 8

1460 Words
[MANDY] Minsan mapagbiro talaga ang tadhana. At sobra niyang funny ha, kasi hindi naman ako na-inform na may special powers na pala ang dugo ng mga lalaki ngayon. At magiging lover niya raw ako ha. Kasi nainom ko ang dugo niya. Nakakaloka. "L-Lovers? Ano'ng sinasabi mo diyan?" natatawa na tanong ko kay Dark. "Kanina kinagat mo ako at sinipsip mo ang dugo ko tapos ngayon naman sinasabi mo na may powers 'yang dugo mo? At magiging lvoer mo ako? Adik ka ba? O ganito ka lang talaga makipag-one night stand? May genre? May theme bawat ka-partner mo? Tapos ngayon eh trip mo 'yung erotic fantasy?" Pinandilatan lang ako ni Dark, pero pansin ko ring nag-aalala talaga siya. He's really, really, worried. Dahil dun, na-realise kong yes, hot man siya at parang Greek God sa paningin ko, pero tao pa rin siya, na minsan mukhang ewan. "No... Hindi pwede 'to. Hindi talaga pwede," bulong niya pa at bigla niyang tiningnan ang sugat ko sa leeg. "At nakakapagtaka rin, nakainom na 'ko ng dugo mo... pero parang wala pa ring epekto..." "Ano'ng epekto?" clueless na namang ko sa kanya. "Wala," masungit na niyang sagot, na napansin kong nakatitig na naman siya ngayon sa mga labi ko. Nagulat ako na bigla na lang nag-iba ang ugali niya. Parang nagising na ako mula sa panaginip na sinasabi niya.  "Ano'ng tinitingin-tingin mo?" "Naisip ko baka hindi lang gumana sa una 'yung halik ko sa 'yo dahil sa distracted ako kanina... Kaya dapat ulitin ko yun para makasiguro..." sabi niya pa. At walang ano-ano ay hinalikan niya ako ulit. Hindi na ako nakapalag. Expert na ginalaw niya ang mga labi niya sa labi ko, at naramdaman ko rin agad ang dila niya na nakadikit na rin sa dila ko. Sa sobrang shock ko sa nangyayari na naman ay hindi na naman ako makagalaw. Jusko ano'ng nangyayari sa 'yo, Mandy? Kumilos ka na! Labanan mo yan! Resist the temptation! Fight! Fight! Fight! Pero kasi first time ko talagang maka-experience nang ganitong klase ng halikan kaya kumbaga naku-culture shock pa ako. Pero hindi ko rin talaga maide-deny na masarap humalik ang lalaking ito, at hindi nagtagal namalayan ko na lang ang sarili kong sumasabay na naman sa ginagawa niya. Hoy, umayos ka nga Mandy, bulong naman nang matino pang parte ng utak ko sa shunga-shungang katawan ko, nung sinabi kong lumaban ka hindi ko sinabing makipaglaplapan ka! Nag-iinit na naman ang pakiramdam ko kaya gusto ko sanang tumigil na itong si Dark sa ginagawa niya kaso parang powerless na naman ako habang kumikilos siya. Naramdaman kong gumagalaw na naman siya at ramdam ko na naman 'yung ano niya na galit na naman kaya pinilit ko talagang makagalaw upang maitulak ko na naman siya. Kaso nakatunog si Dark sa gagawin ko kaya ang ginawa niya, inakap niya muna ako at pinalooban sa mga braso niya. Ang higpit nang pagkakayakap niya sa akin kahit na nagpupumiglas pa ako kaya ang nangyari, napatagilid kami hanggang sa gumulong kami sa kama niya. Huminto lang siya ng ako na ang nasa ibabaw niya at nagkatitigan na kami, na parang may silent war kami gamit ang aming mga mata, at ang unang bumitiw ng titig, talo. "Bitawan mo na kasi ako, Dark!" reklamo ko. Kaso mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakakulong niya sa'kin sa pagitan ng mga braso niya. "Natatandaan mo pa rin ba ang mga nangyari?" tanong niya naman. "Oo naman!" giit ko. "Mukha bang madaling kalimutan 'yung mga pinaggagawa mo sa'kin?" "Kung ganun, hindi talaga umepekto sa'yo ang halik ko," sabi niya na parang may na-realise mula sa isang lecture sa isang classroom. Parang wala nga lang sa kanya na pareho pa rin kaming hubad ngayon at nakapatong ako ngayon sa kanya, habang nakasundot pa rin 'yung ano niya sa may pusod ko. "Dark...please naman, pwedeng pakawalan mo na ako?" pakiusap ko na. Naisip ko kasi na baka mapakiusapan ko siya. "Ano pa bang kailangan mo sa'kin? Nakuha mo na ang katawan ko. Sinipsip mo na ang dugo ko! So ano pa? Ha? Don't tell me talagang ipu-push mong mag-round two tayo?" Natulala naman siya dun sa sinabi ko, bago ngumiti nang pilyo. "Gusto mo ng round two? Hindi pa nga tayo tapos sa round one." "Hoy! Bakit ibinabalik mo sa'kin ang tanong ko? Ikaw nga 'tong ano eh---" "Ano?" "Ano---" "Ano nga?" "Ikaw 'tong strong pa 'yung ano mo!" Natawa ang kumag. "Ah. That. Normal naman yun. Na-excite sa 'yo." Ewan ko kung ano'ng ispirito ang sumapi sa'kin at nang pagkasabi niya nun ay talagang sinilip ko 'yung talong niya. "N-Na-excite nga..." "Gusto mo pa ba?" "May duty pa ako," palusot ko. Pulang-pula na ang mukha dahil titig na titig na naman siya sa akin. "At tsaka excuse me naman, hindi naman ako hayok sa laman na katulad mo." Nangingiti siya. "Hindi ba?" "Hindi." "What if I tell you that I can sense someone's emotions for me? At kanina nung una mo pa lang akong nakita naramdaman ko na 'yung matindi mong desire para sa'kin..." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Ang bastos mo talaga! At sinungaling ka rin!" "Totoo ang sinasabi ko---" "Well, siguro dahil yun sa may something talaga sa 'yo!" giit ko na lang para matigil na siya. "May sa demonyo ka yata, kasi hindi naman talaga ako ganito. Kung iniisip mo na ako 'yung tipo ng babae na madaling bumigay, p'wes nagkakamali ka. Hindi ko talaga alam kung bakit para akong shunga sa nangyari kanina. Hindi ko magawang magprotesta. Parang...parang naka-drugs ako o ano..." "I'm not blaming you, kasi talaga namang irresistable ako," anunsiyo niya. "Sipain kaya kita sa bayag mo? Maging irresistable ka pa kaya?" hirit ko sabay tulak na naman sa kanya. Naalala ko kasing may pupuntahan pa ako eh. This time hindi na siya pumalag. "Saan ka pupunta?" tanong niya dahil tumayo na ako at nagpulupot ng kumot sa katawan ko. "Akala ko ba may iniiwasan ka?" "Aalis na ako... Mas mabuti namang si Rodney na lang makaharap ko kesa sa makasama ka rito." "Hindi ka pwedeng umalis," aniya. Natural nagpaunahan ang mga kilay ko sa pagtaas dun sa narinig ko. "At bakit hindi?" "Dahil naaalala mo pa ang tungkol sa ginawa ko," paliwanag niya naman as if may sense yun. Tumayo na rin siya at automatic na napatingin sa katawan niya. Nagsisi ako dun kaya sa ibang direksyon na ako napatingin. "Dito ka lang." "At sino ka naman para pigilan akong umalis? FYI, may nangyari lang sa'tin. Hindi mo ako naging alipin." Humakbang na ako palabas ng kwarto niya kaso humarang siya agad sa daraanan ko. "Hindi ka pa nga pwedeng umalis! I need to be sure that you'll forget everything that happened!" "Hindi mo na kailangang sabihin yan, dahil yun naman talaga ang balak ko no? Balak ko talagang kalimutan itong katangahan ko sa'yo! Sa ating dalawa, ako naman ang mas magiging agrabyado kapag ipinaglakat ko 'tong nangyari sa'tin no? Nag-iisip ka ba?" "Hindi mo naiintindihan," singhal niya naman na parang naiirita na ulit. "Hindi mo dapat malaman ang ginawa ko sa'yo! Hindi pwedeng may makaalam sa sekreto ko!" "Bakit mo kasi ginawa 'yung ginawa mo kung ayaw mong may makaalam tungkol dito?" "Dahil... dahil kailangan kong gawin yun!" "Bakit nga? Ano ba kasi 'yang sekreto mo?" Hindi na sumagot si Dark. Nakatingin lang siya sa'kin, pinag-aaralan niya yata ang mukha ko. Ganun din ang ginawa ko, dahil parang unti-unti nang bumabalik sa katawan ko 'yung takot ko. "Wag mo nang alamin. Baka matakot ka lang," misteryosong sagot niya. "Fine. Wala naman akong paki kung ano ka. Basta ang importante sa'kin ay kalimutan itong lahat dahil my God, ang creepy nang nangyari. Pero teka, napansin ko kanina parang humaba ang mga kuko mo? Paano nangyari yun? At paano mo nakagat ang leeg ko kanina? May portable pangil ka ba?" "See? That's my point. You saw me in that state. I could not let you leave here with that information. Kung hindi mo magawang kalimutan 'yung mga nakita mo, then I'm going to lock you up here." "Aba, okay ka lang? Nagtratrabaho kaya ako? May mga responsibilidad ako! Hindi mo ako pwedeng ikulong rito! Baka hindi mo alam pwede kitang kasuhan ng human trafficking?" At umiling siya dun. "I guess so. Then what do you suggest? Should I kill you instead?" Napanganga ako sa sinabi niya. Oh em gee. Hindi kaya isang serial killer itong lalaking ito? Trip niya bang manghalay ng mga babae tapos katayin sila pagkatapos at ilagay sa isang sako bago itapon sa isang masukal na bakanteng lote sa kung saan rito sa Cavite? "Yun ba ang gusto mo?" tanong niya pa. "Ayoko sanang gawin yun, dahil interesting ka." "H-Ha?" "Ah wala... What I mean is, mamili ka. You'll stay here or I will kill you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD