[MANDY] Nagtatakbo ako palabas ng ospital pagkababa ni Rodney ng tawag niya. Nagpa-panic na ako. Nabigla kasi ako sa mga sinabi niya eh. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Kaya tumakbo na ako dahil kung magmamadali lang ako ay masusundan ko pa siya. Kailangan ko kasi siyang puntahan dahil kailangan naming mag-usap. Hindi kasi ako papayag na siya lang ang magdedesisyon sa bagay na ito. Kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Pupuntahan ko siya. Alam ko naman kung saan sila nakatira sa Pangasinan dahil ilang beses din naman akong nakapunta doon noong kami pa. Pero nasa parking lot pa lang ako ay kaagad na akong naharang ni Dark. Malakas siya, alam ko yun, pero extra ang lakas na ginagamit niya ngayon sa akin sa pagpigil niya sa akin. "Bitawan mo ako, Dark!" "No," madiing sag

