[MANDY] "No way," bulalas ko. Nasa biyahe na kami ngayon papunta sa ospital kung saan naghihintay si Rodney pero ang utak ko ay nandoon pa rin sa eksenang nangyari kanina. "Parang napaka-imposible naman ng sinasabi mo, Dark. Si Vier? Spy? Si Vier, galit sa 'yo secretly?" "I know it sounds stupid, but my guesses are usually correct," sagot naman niya sa akin habang nagmamaneho. Katabi ko ulit siya ngayon, dahil ayoko namang umupo sa likod dahil magmumukha ko naman siyang driver non. Seryoso ang mukha ni Dark habang shini-share niya sa akin ang hinala niya. "Eh talaga namang parang walang sense ang theory mo," sagot ko na shookt pa rin sa hinala niya na buhay pa si Vier. Actually, nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang sinabi niya yun pagkaalis ni Miranda kanina. Natatakot din ka

