[MANDY] Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Dark at sinabi niyang uuwi na kami sa mansiyon nila. Safe na raw doon, ayon na rin daw sa Daddy niya. Ayoko pa nga sanang pumayag dahil gusto ko munang magpaalam kay Rodney, pero hindi ko naman siya makontak. Na-low bat yata ang phone niya kaya hinayaan ko na lang. Tutal naman ay pupuntahan ko rin siya mamaya bago ang lunch break. Masaya naman si Denzel sa pagbalik namin sa mansiyon ng ama niya. Akala ng anak ko ay dito na nga kami titira nang tuluyan, pero hindi naman pwede iyon dahil kailangan pa rin kami ni Rodney. Si Rodney pa rin ang asawa ko at ang legal guardian ni Denzel. Ipinaliwanag ko yun sa anak ko na uuwi pa rin kami sa Papa Rodney niya, at hindi ko in-expect na magagalit sa akin si Dark dahil doon. Narinig niya kasi ang paliwan

