JARED’S POV Kumunot ang noo matapos mabasa ang text ni Lady. Nagtext siya sa akin para ipaalam na kakain siya sa labas kaya wala pa siya sa hotel. Tapos na ang exams niya pero sa halip na sa hotel siya dumiretso ay lumabas siya para kumain ng tanghalian. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung sino ang kasama niya. Tinigil ko ang ginagawa ko at nag-type ng reply sa kanya. Kanina ko pa nabasa ang message niya pero sinubukan kong ‘wag magreply dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Ngayon ay hindi na mawala sa isip ko ang tungkol doon kaya hindi tuloy ako makapag concentrate sa ginagawang report kay Daddy. Me: Did you do well on your exams? By the way, enjoy eating with your boyfriend. Kahit na hindi ko sigurado kung lalaki ang kasama niya ay sinabi ko pa rin. Kung hindi lal

