JARED’S POV Just because my brothers and even my cousin Hector are constantly teasing me these days, I started being cautious of my actions. Wala na rin naman akong iniintindi gaano dahil hindi na umulit sa pag-alis sa hotel ang kapatid ni Larwin. Pero napapansin ko na masyado yata siyang nagiging curious tungkol sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka kung anu-ano na ang ginagawa niya para malaman kung sino ako. I really need to be careful. Kapag nalaman niyang kilala ko siya at kilala niya rin ako ay siguradong mahihirapan akong lapitan siya at tulungan! Kaya bago pa siya makapag stalk sa akin ay pinalitan ko lahat ng pwede kong palitan sa mga accounts ko. Alam niya ang contact number ko at posible niya akong ma-trace sa social media at ilang messaging apps na gamit ko. Laha

