JARED’S POV Mariing napapikit ako matapos tumitig sa mga kamay ko. I can’t believe that I can punch someone that hard. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang sakit ng mga kamay ko dahil sa ginawa kong pagsuntok nang sunod-sunod sa lalaking nagtangka ng masama sa kapatid ni Larwin. Hinayaan kong tuloy-tuloy na tumulo ang malamig na tubig sa mukha ko. I still can feel the rage I felt while hitting the guy continuously. Galit na galit ako kanina. Palagi kong nakikita ang mga kapatid ko na walang pagdadalawang isip kung makipag-away. At kapag nakikita ko sila na gano’n ay wala akong ginawa kung hindi ang umawat. I always want peace. Ayaw kong may nagkakagulo sa paligid. I can’t fully function when something is bothering me, that's why I am trying my best to resolve everything. Pero kanina ay hi

