I don’t know if I was just overthinking things or I still lack trust in him. Pero simula noong bumalik si Jared sa Pilipinas ay ramdam na ramdam ko ang pagbabago sa relasyon namin. Hindi na gano’n kadalas ang mga video calls, tawag at palitan ng messages. Mas madalas pa nga na wala akong natatanggap na kahit na anong message mula sa kanya. Kapag naman nagkakaroon siya ng oras na kausapin ako ay sobrang limitado lang ang oras kaya hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano. Kapag tinatanong ko siya ay sinasabi niyang busy lang siya sa trabaho dahil may isang importanteng project siyang inaayos. According to him, that project is causing him too much hassles these past few weeks. Pero umabot na ng isang buwan at malapit na akong matapos sa internship ko dito sa Italy ay hindi pa ri

