What the hell did I just see? Did I overthink things so much that I even see that scene in front of me? Dahil lang ba ‘yon sa mga narinig kong kwento ni Lyn kaya dalang-dala ako at kung anu-ano na ang nakikita ko?? Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatayo sa labas ng hotel. Kanina pa may humihinto na sasakyan sa tapat ko at nagtatanong kung sasakay ako pero hindi ko magawang sumakay para makabalik na sa apartment. Hindi ako matahimik. At alam kong mas lalo pa akong hindi matatahimik kung basta na lang akong aalis na hindi nasisigurado na sina Jared at ang pinsan kong si Ate Arra talaga ang nakita ko kanina. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago nagpasya na pumasok sa hotel. I know that I am no longer working here. Pero dahil naging intern nila ako ay nilakasan ko na an

