Kahit na puyat na puyat ako sa nagdaang gabi ay maaga pa rin akong gumising kinabukasan. At kahit na anong gawin kong iwas na mag-isip ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ang lahat ng mga nangyari sa nakalipas na isang buwan. Sobrang saya naming dalawa nang mag-celebrate kami ng first monthsary. Hanggang sa natapos ang maikling bakasyon na ‘yon ay masaya pa rin kaming nagplano sa susunod naming pagkikita. Pilit kong iniisip at binabalikan ang lahat ng mga pinag-usapan namin ni Jared noong nakaraang buwan pero kahit na anong gawin ko ay wala talaga akong maalala na pwedeng maging sagot sa mga katanungan sa isip ko. O dahil ba masaya ako noon kaya hindi ko nakita na may posibleng maging problema? Masakit na masakit na ang ulo ko sa patuloy na pag-iisip pero hindi ko pa rin mapigilan. Gi

