I didn’t know that a basketball game can be this intense and entertaining! Halos hindi ko namalayan na nag-eenjoy na ako sa panonood ng laro. Kung hindi pa nag-announce na tapos na ang first half ng laro ay hindi ko pa iaalis ang tingin ko sa court. Hingal na hingal si Jared habang nakayuko at nakatukod ang mga palad sa magkabilang tuhod. Magaling siyang maglaro at halos sa labas lang tumitira parati. Sa tuwing mahahawakan niya ang bola ay bihirang-bihira ang pagkakataon na hindi niya iyon naishoshoot kaya lumaki ng todo ang lamang nila. May isang lalaki na hindi niya ka-team ang nasa harapan niya at kumakausap sa kanya. Nang tingnan ko ang nakalagay na apelyido sa jersey nito ay nalaman kong isa yata iyon sa anak ng may-ari ng YM. Dalawa ang Yu na naglalaro at ang isa ay mukhang mas ba

