Red Mijares… Kanina pa ako napapatitig sa towel ni Jared Mijares na pinahawak niya sa akin. May naka-embroider kasi doon na pangalan niya. Masyadong personalized ang gamit! Or did someone give it to him as a gift? Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig doon dahil bigla kong naalala si Mommy. She likes to give us personalized gifts. Marunong kasi ang Mommy ko na mag-embroider kaya may mga gamit rin ako na may nakalagay na pangalan ko. Sa totoo lang ay sobrang hawig iyon ng mga gawa ni Mommy kaya bigla ko tuloy siyang na-missed ng sobra. “Kaninong mga gamit ‘yang hawak-hawak mo, Lady?” Natigil ako sa paninitig sa towel ni Jared nang magtanong ang kasama kong usherette na si Avery. Mukhang hanggang ngayon ay ginaw na ginaw pa rin siya kahit na medyo uminit na ng konti ang paligid dahil sa

