Maaga pa lang ay nag handa na ako sa pagpunta sa agency para sa briefing sa gagawin kong trabaho bilang usherette sa magaganap na sports event ng Young Bucks Society Club, one of the most powerful and influential club in the country. Halos lahat ng members ng club na ‘yon ay mga young billionaires at karamihan sa mga members ay anak ng mga business tycoons. Kasali ang Kuya Larwin ko sa club na iyon pati na rin ang mga pinsan ko. Pero noong namatay si Daddy ay isa ang unit niya sa YBSB sa mga binenta dahil kailangan naming asikasuhin ang gulo na naiwan ni Daddy. Dalawang araw na ang nakalipas simula noong tanggapin ko ang trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang kaba at pag-aalangan ko sa tuwing naiisip kong posible na makita ako ng mga pinsan ko doon. Simula noong n

