Halos umabot sa dalawang linggo ang pananatili ni Jared sa Cagayan de Oro. Sa bawat araw at gabi na magkausap kami ay nararamdaman kong naiinip na siya doon kaya kapag nakikipag harutan sa chat, text o video call ay sinasabayan ko. Isa sa mga napansin ko ay masyado siyang sweet at malambing. Kahit wala siyang sinasabi ay kitang-kita sa mga kilos niya kung ano ang gusto niyang iparating sa akin. “Baka dapat ay hindi mo sinasanay ang kapatid mo na mag-iwan na lang basta ng project na hindi niya tinatapos muna…” seryosong sambit ko nang tanungin kung bakit iniwan ng kapatid niya ang project nito sa Cagayan de Oro na hindi nito tinatapos. “Hmm. I scold him sometimes but I can’t do that now,” sambit niya. May kung ano pa siyang tinatapos na trabaho dahil sa susunod na araw ay posible na maka

