“Kakasimula pa lang ng klase, pero yung utak ko parang sasabog na sa dami ng kailangan ipasok!” Kanina pa reklamo nang reklamo sa gilid ko sina Lyn at Rose pero ako ay kalmado lang dahil kasalukuyang ka-chat ko si Jared. Ngiting-ngiti ako at hindi ko mapigilan dahil sa mga ginagawa niya! Kapag pinapanood ko ang mga random videos na sinesend niya ay sa halip na hindi ko siya ma-miss ay parang mas lalo ko lang siyang namimiss! Kagat ang ibabang labi na pinanood ko ang latest video na sinend niya. I even zoomed the video to have a clear view of his face. Ang gwapo parin kahit medyo gulo-gulo pa ang buhok at halatang bagong gising! “I am trying to get caffeine out of my system but I’m failing myself everyday. My brother is stressing me out…” Narinig kong reklamo niya habang nagtitimpla ng

