Kagaya ng gustong mangyari ni Jared ay pumasok kami sa loob ng suite at doon nagpasyang mag-usap ng maayos. Umupo siya sa katapat na sofa pero kitang-kita ko pa rin ang ginagawa niyang paninitig sa mga hita ko kaya hindi ko tuloy alam kung paanong uupo sa harapan niya! Dumekwatro ako ng upo at muling nag-angat ng tingin sa kanya. Unti-unting sinalubong niya ang tingin ko at muling nagtagal ang titig sa akin kaya mas lalong nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa titig niya! Ano ba naman ‘to? Tingin pa nang tingin! Hindi na nga ako mapakali! Nang maisip kong baka hindi pa rin siya komportable dahil sa maikling shorts na suot ko ay agad na yumuko ako para abutin ang cushion sa tabi ko at saka inilagay sa ibabaw ng mga hita ko bago muling binalik ang tingin sa kanya. Sa halip na maging maayos

