“No, Lady! Stop thinking about that!” Mabilis na saway ko sa sarili nang muling maalala ang ginawang paninitig ni Jared sa akin kanina. Hindi halos ako makapag concentrate sa paliligo dahil pabalik balik sa isip ko ang ginawa niyang paninitig sa akin. Parang buong katawan ko ang kinikilabutan dahil sa mga titig niya kaya ang dalas ko tuloy na natutulala habang naliligo. “Stop it, Lady! Pagkatapos ka niyang insultuhin dahil sa galit niya sa mga bata ay naaakit ka pa rin sa titig niya? Tigilan mo ‘yan!” tuloy-tuloy at naiiling na saway ko sa sarili. Kahit na kanina pa ako naliligo ay parang hindi napapawi ng lamig ng tubig ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hanggang ngayon ay parang nasa harapan ko pa rin siya at nakatitig sa akin! Hindi rin nakakatulong sa pag-iwas kong isipin siya ang kat

