Kanina pa ako hikab nang hikab. Antok na antok ako dahil sa sunod-sunod na exams. Sabado ngayon at pinatawag naman kami sa foundation para asikasuhin ang mga requirements para sa magiging internship namin sa Italy. Hindi tuloy ako nakatulog ng matagal dahil maaga kaming pinapunta dito sa foundation. Hapon na ng matapos ang dapat kong asikasuhin sa foundation kaya antok na antok tuloy ako sa unang gabi ng pagtatrabaho ko bilang cleaner sa unit ng kaibigan ni Architect Dela Torre. “Hindi naman siguro masyadong marumi ang unit niya…” bulong ko at tsaka kinusot ang mga mata ko. Medyo mahapdi na ang mga mata ko dahil kanina pa talaga ako antok na antok. Mas lalo pa akong inantok nang makatulog saglit sa jeep papunta dito sa YBSB. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa

