“Anong ginagawa mo, Lady?” Nag-angat ako ng tingin sa dalawa kong kaibigan na sina Rose at Lyn. Dahil malapit nang matapos ang first semester ay sobrang daming dapat bayaran na hindi covered ng scholarship ko sa LEF Foundation. Nitong mga nagdaang mga buwan ay ang daming activities at mga events na kailangan naming samahan. Dahil wala akong part-time job ay nalalakihan ako sa mga gastos sa pang araw-araw. Malapit na naman ang bayaran ng renta sa apartment kaya nahihirapan akong i-budget ang allowance ko na galing sa foundation. “Ano ba ‘yan?” muling usisa ni Rose at hindi na nakatiis at siya na mismo ang lumapit at sinilip ang ginagawa ko. Kumunot ang noo niya matapos mabasa ang mga sinusulat ko sa likod ng notebook. “Short ka ba sa budget, Lady?” kunot ang noong tanong ni Rose. Sa hali

