Patingin-tingin ako kay Jared habang naglalakad kami papasok sa apartment ko. Kakaiba ang ginagawa niyang pag tingin-tingin sa paligid na para bang wala siyang tiwala sa security ng buong lugar. Kagat ang ibabang labi na pinasok ko ang susi sa doorknob at binuksan ang pinto. Binuksan ko ang ilaw at napatingin sa paligid. “Tuloy ka. Ahm… hindi maluwang ang loob pero saktong-sakto naman ang space para sa isang tao…” paliwanag ko. Hindi siya sumagot. Nang lingunin ko siya ay nakita kong hinawakan niya pa ang doorknob at ilang beses na pinihit pihit kaya kagat ang ibabang labi na napasinghap ako at hinintay siyang matapos sa ginagawa. Nang tuluyang tigilan niya ang pag inspeksyon sa doorknob ay muling sinarado niya ang pinto at tumingin naman ngayon sa gawing bintana. Lumapit siya doon at n

