Good Morning

1348 Words

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Jared sa apartment ko ay hindi ko pa ulit nakita si Troy. Hindi ko tuloy alam kung sinasadya niyang ‘wag magpakita sa akin dahil alam niya ang nangyari sa amin ng Boss niya o talagang hindi lang kami nagkikita dahil madalas na ginagabi ako ng uwi dahil napapadalas ang pagpunta ko sa foundation para sa mga papeles na kailangan sa internship. Sabado ng gabi ay muling nagpunta ako sa unit ng kaibigan ni Architect Sven para maglinis. Katulad sa madalas kong ginagawa ay marami na naman siyang pinalabhan sa akin. Ngayon ay halata na talagang malilinis ang mga damit dahil inamoy ko pa at amoy detergent pa at halatang galing pa sa laundry house dito sa Young Bucks Society Building! Alam na alam ko ang amoy ng detergent na gamit ng laundry house dito sa YBSB dahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD