Sa sobrang pagkabigla ko sa biglaang pagsulpot ni Bossing sa harapan ko ay hindi tuloy ako makapagsalita at nanatili lang ang titig sa mukha niya kahit na natatakpan naman ng venetian mask ang halos buong mukha niya! Ibinaba niya ang kamay na nilalahad niya sa akin. Hindi ako makapaniwala! Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na suriin ang kabuuan niya. He doesn’t seem old! I wonder why he constantly reminds me of how huge our age gap is! Kahit anong gawin kong tingin sa kabuuan niya ay alam kong hindi naman siya gano’n katanda para sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya ay nararamdaman ko na magka edad lang sila ni Kuya Larwin. And my brother and I have exactly twelve years gap! “Where’s your seat?” Ilang beses pa tuloy akong kumurap nang narinig kong muli ang boses niy

