Kanina pa ako naihatid ng tauhan ng Bossing sa hotel at kanina pa rin ako nakahiga pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok! At sino ba naman ang makakatulog pagkatapos ng mga nangyari sa akin sa pagpunta ko sa acquaintance party? “Oh, my gosh…” ngiting-ngiti na bulong ko na naman habang hawak ang aurora borealis inspired necklace na binigay ni Bossing sa akin. Kanina pa ako nawawala sa sarili habang nakatitig sa pendant nito na halos kakulay ng kalangitan sa Sweden noong pumunta kami ng pamilya ko doon. “You are stunning like the Northern lights, Lady…” “Oh, my God! Oh, my God!” paulit-ulit na bulalas ko at halos magpagulong gulong na sa kama. Pakiramdam ko ay mababaliw ako habang paulit-ulit na binabalikan sa isip ang mga sinabi ni Bossing sa akin kanina sa party. Ni hindi ko namalay

