Muling ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan matapos kong basahin ang text ni Archer sa akin. Papunta ako sa photoshoot ng Fab String Magazine at nagkataon na isa siya sa mga models na lalaki na makakasama ko ngayon sa photoshoot. Ang sabi niya ay papunta na siya sa venue at kung pwede ay sabay na kaming pumunta. Pero nang bumaba ako ay nakita ko na sa labas si Kuya Mark at naghihintay sa akin kaya hindi na ako nakatanggi nang sabihin niyang ihahatid niya ako sa venue. Kahit na hindi niya sabihin na pinadala siya ni Bossing para ihatid ako ay alam kong siya ang nagsabi kay Kuya Mark dahil sa kanya ko lang naman nabanggit ang magiging gig ko ngayong araw! Nang maalala ko siya ay agad na nagtanong ako kay Kuya Mark. Ilang beses ko nang pinaalala kay Bossing ang tungkol sa

