Sa mga natirang araw ng sembreak ay masyado akong naging abala. Sa umaga ay nag-aayos ako ng mga papers para sa gagawin kong paglipat ng school at sa gabi naman ay nagtatrabaho ako bilang VIP waitress sa Golden Spoon. At bago matapos ang linggong iyon ay nakapag enroll na ako sa bago kong school kaya naghihintay na lang ako sa pagsisimula ng klase. Hindi ako makapaniwala na wala akong ginastos na kahit na magkano sa tuition dahil covered ang lahat ng gastos ng scholarship ko. Kaya nang tuluyang dumating ang huling gabi ng pagtatrabaho ko sa Golden Spoon at nagyaya si Jai na mag-bar ay hindi na ako nakatanggi sa paanyaya niya. “Mamimiss kita ng sobra, Lady! Tatamarin na naman akong magtrabaho nito sa Monday!” bulalas ni Jai habang palabas kami sa restaurant. Kanina pa lang ay nagsabi na

