“Sino ba ‘yang ka-text mo, Lady? Bakit parang stress na stress ka d’yan? Wala ka namang boyfriend ‘di ba?” Mula sa paninitig ko sa phone ko ay nag-angat ako ng tingin kay Jai na kakarating lang ulit sa table namin matapos mag-order ulit ng panibagong drinks. Kanina ko pa napapansin na nakakarami na siya ng inom pero mukhang hindi pa rin siya nalalasing. Samantalang ako ay nakaka dalawang cocktail glass pa lang ay nararamdaman ko na ang pamamanhid ng buong mukha ko. Hindi pa naman ako nahihilo. Medyo humihina lang ang pandinig ko dahil napansin ko na hindi na ako gaanong nalalakasan sa tugtog dito sa bar. “Wala naman talaga akong boyfriend, Jai!” sagot ko. Alam kong medyo malakas ang boses ko dahil bukod sa malakas ang tugtog dito sa bar ay mahina sa pandinig ko ang dating ng mga sinasab

